|
| 1 |
|
| Oh Panginoon, na Dios ng aking kaligtasan, akoy dumaing araw at gabi sa harap mo: |
|
| 2 |
|
| Masok ang aking dalangin sa iyong harapan: ikiling mo ang iyong pakinig sa aking daing: |
|
| 3 |
|
| Sapagkat ang aking kaluluwa ay lipos ng mga kabagabagan, at ang aking buhay ay nalalapit sa Sheol, |
|
| 4 |
|
| Akoy nabilang sa kanila na nagsisibaba sa hukay; akoy parang taong walang lakas: |
|
| 5 |
|
| Nakahagis sa gitna ng mga patay, gaya ng napatay na nakahiga sa libingan, na hindi mo na inaalaala; at silay mangahiwalay sa iyong kamay. |
|
| 6 |
|
| Iyong inilapag ako sa pinakamalalim na hukay, sa mga madilim na dako, sa mga kalaliman. |
|
| 7 |
|
| Lubhang idinidiin ako ng iyong poot, at iyong pinighati ako ng lahat mong mga alon. (Selah) |
|
| 8 |
|
| Iyong inilayo sa akin ang kakilala ko; iyong ginawa akong kasuklamsuklam sa kanila: akoy nakulong at hindi ako makalabas, |
|
| 9 |
|
| Ang mata koy nangangalumata dahil sa kadalamhatian: akoy tumawag araw-araw sa iyo, Oh Panginoon, aking iginawad ang mga kamay ko sa iyo. |
|
| 10 |
|
| Magpapakita ka ba ng mga kababalaghan sa mga patay? Sila bang mga patay ay magsisibangon, at magsisipuri sa iyo? (Selah) |
|
| 11 |
|
| Ang iyo bang kagandahang-loob ay ipahahayag sa libingan? O ang iyong pagtatapat sa kagibaan? |
|
| 12 |
|
| Malalaman ba ang mga kababalaghan mo sa dilim? At ang katuwiran mo sa lupain ng pagkalimot? |
|
| 13 |
|
| Ngunit sa iyo, Oh Panginoon, dumaing ako, at sa kinaumagahan ay darating ang dalangin ko sa harap mo. |
|
| 14 |
|
| Panginoon, bakit mo itinatakuwil ang kaluluwa ko? Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha sa akin? |
|
| 15 |
|
| Akoy nadadalamhati, at handang mamatay mula sa aking kabataan: habang aking tinitiis ang iyong mga kakilakilabot na bagay ay nakakalingat ako. |
|
| 16 |
|
| Ang iyong mabangis na poot ay dumaan sa akin; inihiwalay ako ng iyong mga kakilakilabot na bagay. |
|
| 17 |
|
| Kanilang kinulong ako na parang tubig buong araw; kinubkob ako nilang magkakasama. |
|
| 18 |
|
| Mangliligaw at kaibigan ay inilayo mo sa akin, at ang aking kakilala ay sa dilim. |
|
|
|
|