|
| 1 |
|
| Panginoon, kayo ang Dios na aking Tagapagligtas. Tumatawag ako sa inyo araw-gabi. |
|
| 2 |
|
| Dinggin nʼyo ang panalangin ko at sagutin ang aking panawagan. |
|
| 3 |
|
| Dahil napakaraming paghihirap na dumarating sa akin at parang mamamatay na ako. |
|
| 4 |
|
| Para na akong isang taong nag-aagaw buhay na hindi na matutulungan pa. |
|
| 5 |
|
| Pinabayaan na ako, kasama ng mga patay. Para akong patay na inilagay sa libingan, kinalimutan nʼyo na at hindi tinutulungan. |
|
| 6 |
|
| Para nʼyo akong inilagay sa napakalalim at napakadilim na hukay. |
|
| 7 |
|
| Sobra ang galit nʼyo sa akin, parang mga alon na humahampas sa akin. |
|
| 8 |
|
| Inilayo nʼyo sa akin ang aking mga kaibigan at ginawa nʼyo akong kasuklam-suklam sa kanila. Nakulong ako at hindi na makatakas. |
|
| 9 |
|
| Dumidilim na ang paningin ko dahil sa hirap. Panginoon, araw-araw akong tumatawag sa inyo na nakataas ang aking mga kamay. |
|
| 10 |
|
| Gumagawa ba kayo ng himala sa mga patay? Bumabangon ba sila upang kayoʼy papurihan? |
|
| 11 |
|
| Ang katapatan nʼyo ba at pag-ibig ay pinag-uusapan sa libingan? |
|
| 12 |
|
| Makikita ba ang inyong mga himala at katuwiran sa madilim na lugar ng mga patay? Doon sa lugar na iyon ang lahat ay kinakalimutan. |
|
| 13 |
|
| Kaya Panginoon, humihingi ako ng tulong sa inyo. Tuwing umagaʼy nananalangin ako sa inyo. |
|
| 14 |
|
| Ngunit bakit nʼyo ako itinatakwil Panginoon? Bakit nʼyo ako pinagtataguan? |
|
| 15 |
|
| Mula pa noong bata ay nagtitiis na ako at muntik nang mamatay. Tiniis ko ang mga nakakatakot na ginawa nʼyo sa akin. |
|
| 16 |
|
| Ang inyong galit ay humampas sa akin na parang malakas na hangin. Halos mamatay ako sa mga nakakatakot na ginawa nʼyo sa akin. |
|
| 17 |
|
| Dumating ang mga ito sa akin na parang baha at pinalibutan ako. |
|
| 18 |
|
| Inilayo nʼyo sa akin ang mga mahal ko sa buhay at mga kaibigan; wala akong naging kasama kundi kadiliman. |
|
|
|
|