|
| 1 |
|
| Pupurihin kita, Yahweh, nang buong puso ko, mga kahanga-hangang ginawa mo'y ipahahayag ko. |
|
| 2 |
|
| Dahil sa iyo, ako ay aawit na may kagalakan, pupurihin kita, O Diyos na Kataas-taasan. |
|
| 3 |
|
| Makita ka lang ay umuurong na ang aking mga kaaway, sila'y nabubuwal at namamatay sa iyong harapan. |
|
| 4 |
|
| Patas at makatarungan ka sa iyong paghatol, matuwid kong panig ay iyong ipinagtanggol. |
|
| 5 |
|
| Binalaan mo ang mga bansa, nilipol ang masasama; binura mo silang lahat sa balat ng lupa. |
|
| 6 |
|
| Ang mga kalaban nami'y naglaho nang lubusan, ang kanilang mga lunsod, iyo nang winakasan, at sa aming alaala'y nalimot nang tuluyan. |
|
| 7 |
|
| Ngunit si Yahweh ay naghaharing walang putol, itinatag niya ang kanyang trono para sa paghahatol. |
|
| 8 |
|
| Pinapamahalaan niya ang daigdig ayon sa katuwiran, hinahatulan niya ang mga bansa ayon sa katarungan. |
|
| 9 |
|
| Si Yahweh ang takbuhan ng mga pinahihirapan, matibay na kanlungan sa oras ng kaguluhan. |
|
| 10 |
|
| Nananalig sa iyo, Yahweh, ang kumikilala sa iyong pangalan, dahil wala pang lumapit sa iyo na iyong tinanggihan. |
|
| 11 |
|
| Kay Yahweh na hari ng Zion ay umawit tayo ng papuri, sa lahat ng bansa ang ginawa niya'y ipagbunyi! |
|
| 12 |
|
| Inaalala ng Diyos ang mga nahihirapan, mga karaingan nila'y di niya nakakalimutan. |
|
| 13 |
|
| O Yahweh, ako sana'y iyong kahabagan, masdan ang pahirap na dinaranas ko mula sa kaaway! Iligtas mo ako sa bingit ng kamatayan, |
|
| 14 |
|
| upang sa harapan ng Lunsod ng Zion, aking isalaysay. Dahil sa iyong pagliligtas, papuri ko'y ibibigay. |
|
| 15 |
|
| Nahulog ang mga bansa, sa patibong na gawa nila; sa bitag para sa akin, ang nahuli ay sila! |
|
| 16 |
|
| Sa matuwid niyang hatol si Yahweh ay nagpakilala, at ang masasama'y nahuhuli sa mga bitag na gawa nila. (Higgaion, Selah) |
|
| 17 |
|
| Sa daigdig ng mga patay doon sila matatapos, pati ang lahat ng bansang nagtakwil sa Diyos. |
|
| 18 |
|
| Hindi habang panahong pababayaan ang dukha; hindi na rin mawawala, pag-asa ng maralita. |
|
| 19 |
|
| Huwag mong tulutan, Yahweh, na labanan ka ng mga tao! Tipunin mong lahat ang mga bansa at sila'y hatulan mo. |
|
| 20 |
|
| Takutin mo, O Yahweh, ang lahat ng bayan, at iyong ipabatid na sila'y tao lamang. (Selah) |
|
|
|
|