Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Ang sinumang nananahan sa piling ng Kataas-taasang Dios na Makapangyarihan ay kakalingain niya. |
| 2 |
| Masasabi niya sa Panginoon, “Kayo ang kumakalinga sa akin at nagtatanggol. Kayo ang aking Dios na pinagtitiwalaan.” |
| 3 |
| Tiyak na ililigtas ka niya sa bitag ng masasama at sa mga nakamamatay na salot. |
| 4 |
| Iingatan ka niya gaya ng isang ibong iniingatan ang kanyang mga inakay sa lilim ng kanyang pakpak. Iingatan ka at ipagtatanggol ng kanyang katapatan. |
| 5 |
| Hindi ka dapat matakot sa mga bagay na nakakatakot, o sa palaso ng mga kaaway, o sa sakit at mga salot na sumasapit sa gabi man o sa araw. |
| 6 |
| 7 |
| Kahit libu-libo pa ang mamatay sa paligid mo, walang mangyayari sa iyo. |
| 8 |
| Makikita mo kung paano pinaparusahan ang mga taong masama. |
| 9 |
| Dahil ginawa mong kanlungan ang Panginoon, ang Kataas-taasang Dios na aking tagapagtanggol, |
| 10 |
| walang kasamaan, kalamidad o anumang salot ang darating sa iyo o sa iyong tahanan. |
| 11 |
| Dahil uutusan ng Dios ang kanyang mga anghel upang ingatan ka saan ka man magpunta. |
| 12 |
| Bubuhatin ka nila upang hindi masugatan ang iyong mga paa sa bato. |
| 13 |
| Tatapakan mo ang mga leon at mga makamandag na ahas. |
| 14 |
| Sinabi ng Dios, “Ililigtas ko at iingatan ang umiibig at kumikilala sa akin. |
| 15 |
| Kapag tumawag siya sa akin, sasagutin ko siya; sa oras ng kaguluhan, sasamahan ko siya. Ililigtas ko siya at pararangalan. |
| 16 |
| Bibigyan ko siya ng mahabang buhay at ipapakita ko sa kanya ang aking pagliligtas.” |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/091.mp3
150
91