|
| 1 |
|
| Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan. Ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat. |
|
| 2 |
|
| Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, siya'y aking kanlungan at aking katibayan, ang Dios ko na siyang aking tinitiwalaan. |
|
| 3 |
|
| Sapagka't kaniyang ililigtas ka sa silo ng paninilo, at sa mapamuksang salot. |
|
| 4 |
|
| Kaniyang tatakpan ka ng kaniyang mga bagwis, at sa ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka: ang kaniyang katotohanan ay kalasag at baluti. |
|
| 5 |
|
| Ikaw ay hindi matatakot sa kakilabutan sa gabi, ni sa pana man na humihilagpos kung araw; |
|
| 6 |
|
| Dahil sa salot na dumarating sa kadiliman, ni dahil sa paggiba man na sumisira sa katanghaliang tapat. |
|
| 7 |
|
| Isang libo ay mabubuwal sa iyong siping, at sangpung libo sa iyong kanan; nguni't hindi lalapit sa iyo. |
|
| 8 |
|
| Iyong mamamasdan lamang ng iyong mga mata, at iyong makikita ang ganti sa masama. |
|
| 9 |
|
| Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay aking kanlungan! Iyong ginawa ang Kataastaasan na iyong tahanan; |
|
| 10 |
|
| Walang kasamaang mangyayari sa iyo, ni anomang salot ay lalapit sa iyong tolda. |
|
| 11 |
|
| Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad. |
|
| 12 |
|
| Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay, baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato. |
|
| 13 |
|
| Iyong yayapakan ang leon at ang ulupong: ang batang leon at ang ahas ay yuyurakan mo ng iyong mga paa. |
|
| 14 |
|
| Sapagka't kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, kaya't iniligtas ko siya: aking ilalagay siya sa mataas, sapagka't kaniyang naalaman ang pangalan ko. |
|
| 15 |
|
| Siya'y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya; ako'y sasa kaniya sa kabagabagan: aking ililigtas siya, at pararangalan siya. |
|
| 16 |
|
| Aking bubusugin siya ng mahabang buhay, at ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas. |
|
|
|
|