Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Ang magpasalamat kay Yahweh ay mabuting bagay, umawit na lagi purihin ang ngalang Kataas-taasan. |
| 2 |
| Pag-ibig niyang wagas ay dapat ihayag, kung bukang-liwayway, pagsapit ng gabi ang katapatan niya'y ihayag din naman. |
| 3 |
| Ito'y ipahayag sa saliw ng alpa't tugtuging salteryo, sa magandang himig ng tugtuging lira'y ipahayag ito. |
| 4 |
| Ako'y nagagalak sa iyong ginawa na kahanga-hanga, sa lahat ng ito ako'y umaawit dahilan sa tuwa. |
| 5 |
| O pagkadakila! Kay dakila, Yahweh, ng iyong ginawa, ang iyong isipan ay sadyang mahirap naming maunawa. |
| 6 |
| Sa kapos na isip, ang bagay na ito ay di nalalaman, hindi malilirip ni mauunawa ng sinumang mangmang: |
| 7 |
| ang mga masama kahit na dumami't sila ma'y umunlad, kanilang hantungan ay tiyak at lubos na kapahamakan; |
| 8 |
| sapagkat ikaw lang, Yahweh, ang dakila't walang makatulad. |
| 9 |
| Nababatid naming lilipuling lahat ang iyong kaaway, at lahat ng taong masama ang gawa ay mapipilan. |
| 10 |
| Ako'y ginawa mong sinlakas ng torong mailap sa gubat, ako'y pinagpala't pawang kagalakan aking dinaranas. |
| 11 |
| Aking nasaksihan yaong pagkalupig ng mga kaaway, pati pananaghoy ng mga masama'y aking napakinggan. |
| 12 |
| Tulad ng palmera, ang taong matuwid tatatag ang buhay, sedar ang kagaya, kahoy sa Lebanon, lalagong malabay. |
| 13 |
| Mga punong natanim sa tahanan ni Yahweh, sa Templo ng ating Diyos bunga nila'y darami. |
| 14 |
| Tuloy ang pagbunga kahit na ang punong ito ay tumanda, luntia't matatag, at ang dahon nito ay laging sariwa. |
| 15 |
| Ito'y patotoo na si Yahweh ay tunay na matuwid, siya kong sanggalang, matatag na batong walang karumihan. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/092.mp3
150
92