Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Kataas-taasang Dios na Panginoon namin, napakabuting magpasalamat at umawit ng papuri sa inyo. |
| 2 |
| Nakalulugod na ipahayag ang inyong pag-ibig at katapatan araw at gabi, |
| 3 |
| habang tumutugtog ng mga instrumentong may kwerdas. |
| 4 |
| Dahil pinasaya nʼyo ako, Panginoon, sa pamamagitan ng inyong kahanga-hangang mga gawa. At dahil dito, akoʼy umaawit sa tuwa. |
| 5 |
| Panginoon, kay dakila ng inyong mga ginawa. Ang isipan nʼyoʼy hindi namin kayang unawain. |
| 6 |
| Hindi maunawaan ng mga hangal at matitigas ang ulo |
| 7 |
| na kahit umunlad ang taong masama gaya ng damong lumalago, ang kahahantungan pa din niya ay walang hanggang kapahamakan. |
| 8 |
| Ngunit kayo, Panginoon, ay dakila sa lahat magpakailanman. |
| 9 |
| Tiyak na mamamatay ang lahat ng inyong kaaway at mangangalat ang lahat ng gumagawa ng masama. |
| 10 |
| Pinalakas nʼyo ako na tulad ng lakas ng lakas ng toro at binigyan nʼyo rin ako ng kagalakan. |
| 11 |
| Nasaksihan ko ang pagkatalo ng aking mga kaaway, at narinig ko ang pagdaing ng masasamang kumakalaban sa akin. |
| 12 |
| Uunlad ang buhay ng mga matuwid gaya ng mga palma, at tatatag na parang puno ng sedro na tumutubo sa Lebanon. |
| 13 |
| Para silang mga punong itinanim sa templo ng Panginoon na ating Dios, |
| 14 |
| lumalago at namumunga kahit matanda na, berdeng-berde ang mga dahon at nananatiling matatag. |
| 15 |
| Ipinapakita lamang nito na ang Panginoon, ang aking Bato na kanlungan ay matuwid. Sa kanyaʼy walang anumang kalikuan na matatagpuan. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/092.mp3
150
92