Tagalog Bible TLBA
|
| 1 |
| Isang mabuting bagay ang magpapasalamat sa Panginoon, at umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan: |
| 2 |
| Upang magpakilala ng iyong kagandahang-loob sa umaga, at ng iyong pagtatapat gabigabi. |
| 3 |
| Na may panugtog na may sangpung kawad, at may salterio; na may dakilang tunog na alpa. |
| 4 |
| Sapagka't ikaw, Panginoon, iyong pinasaya ako sa iyong gawa: ako'y magtatagumpay sa mga gawa ng iyong mga kamay. |
| 5 |
| Kay dakila ng iyong mga gawa, Oh Panginoon! Ang iyong mga pagiisip ay totoong malalim. |
| 6 |
| Ang taong hangal ay hindi nakakaalam; ni nauunawa man ito ng mangmang. |
| 7 |
| Pagka ang masama ay lumilitaw na parang damo, at pagka gumiginhawa ang lahat na manggagawa ng kasamaan; ay upang mangalipol sila magpakailan man: |
| 8 |
| Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay mataas magpakailan man. |
| 9 |
| Sapagka't, narito, ang mga kaaway mo, Oh Panginoon, sapagka't, narito, ang mga kaaway mo'y malilipol; lahat ng mga manggagawa ng kasamaan ay mangangalat. |
| 10 |
| Nguni't ang sungay ko'y iyong pinataas na parang sungay ng mailap na toro: ako'y napahiran ng bagong langis. |
| 11 |
| Nakita naman ng aking mata ang nasa ko sa aking mga kaaway, narinig ng aking pakinig ang nasa ko sa mga manggagawa ng kasamaan na nagsisibangon laban sa akin. |
| 12 |
| Ang matuwid ay giginhawa na parang puno ng palma. Siya'y tutubo na parang cedro sa Libano. |
| 13 |
| Sila'y nangatatag sa bahay ng Panginoon; sila'y giginhawa sa mga looban ng aming Dios. |
| 14 |
| Sila'y mangagbubunga sa katandaan; sila'y mapupuspos ng katas at kasariwaan: |
| 15 |
| Upang ipakilala na ang Panginoon ay matuwid; siya'y aking malaking bato, at walang kalikuan sa kaniya. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalogtlba/psalms/092.mp3
150
92