|
| 1 |
|
| Oh Panginoon, ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, sumilang ka. |
|
| 2 |
|
| Bumangon ka, ikaw na hukom ng lupa: ibigay mo sa palalo ang panghihiganti sa kanila. |
|
| 3 |
|
| Panginoon, hanggang kailan ang masama, hanggang kailan magtatagumpay ang masama? |
|
| 4 |
|
| Sila'y dumadaldal, sila'y nagsasalita na may kapalaluan: lahat na manggagawa ng kasamaan ay nangagmamalaki. |
|
| 5 |
|
| Kanilang pinagwawaraywaray ang iyong bayan, Oh Panginoon, at dinadalamhati ang iyong mana. |
|
| 6 |
|
| Kanilang pinapatay ang bao at ang taga ibang lupa, at pinapatay ang ulila. |
|
| 7 |
|
| At kanilang sinasabi, ang Panginoo'y hindi makakakita, ni pakukundanganan man ng Dios ni Jacob ito. |
|
| 8 |
|
| Gunitain ninyo, ninyong mga hangal sa gitna ng bayan: at ninyong mga mangmang, kailan tayo magiging pantas? |
|
| 9 |
|
| Siyang lumikha ng pakinig, hindi ba siya makakarinig? Siyang lumikha ng mata, hindi ba siya makakakita? |
|
| 10 |
|
| Siyang nagpaparusa sa mga bansa, hindi ba siya sasaway, sa makatuwid baga'y siyang nagtuturo sa tao ng kaalaman? |
|
| 11 |
|
| Nalalaman ng Panginoon ang mga pagiisip ng tao, na sila'y pawang walang kabuluhan. |
|
| 12 |
|
| Mapalad ang tao na iyong pinarurusahan, Oh Panginoon, at tinuturuan mo sa iyong kautusan. |
|
| 13 |
|
| Upang iyong mabigyan ng kapahingahan sa mga kaarawan ng kasakunaan, hanggang sa mahukay ang hukay na ukol sa masama. |
|
| 14 |
|
| Sapagka't hindi itatakuwil ng Panginoon ang kaniyang bayan, ni pababayaan man niya ang kaniyang mana. |
|
| 15 |
|
| Sapagka't kahatulan ay babalik sa katuwiran: at susundan ng lahat na matuwid sa puso. |
|
| 16 |
|
| Sino ang babangon dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan? Sinong tatayo dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan? |
|
| 17 |
|
| Kundi ang Panginoon ay naging aking katulong, ang kaluluwa ko'y tumahang madali sana sa katahimikan. |
|
| 18 |
|
| Nang aking sabihin, Ang aking paa ay natitisod; inalalayan ako ng iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon. |
|
| 19 |
|
| Sa karamihan ng aking mga pagiisip sa loob ko ang iyong mga pagaliw ay nagbibigay lugod sa aking kaluluwa. |
|
| 20 |
|
| Makikisama ba sa iyo ang luklukan ng kasamaan, na nagaanyo ng pagapi sa pamamagitan ng palatuntunan? |
|
| 21 |
|
| Sila'y nagpipisan laban sa kaluluwa ng matuwid, at pinarusahan nila ang walang salang dugo. |
|
| 22 |
|
| Nguni't ang Panginoon ay naging aking matayog na moog; at ang Dios ko'y malaking bato na aking kanlungan. |
|
| 23 |
|
| At dinala niya sa kanila ang kanilang sariling kasamaan, at ihihiwalay niya sila sa kanilang sariling kasamaan; ihihiwalay sila ng Panginoon naming Dios. |
|
|
|
|