Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Halikayo, magsiawit tayo nang may kagalakan! Sumigaw tayo sa pagpupuri sa Panginoon na ating Bato na kanlungan at tagapagligtas. |
| 2 |
| Lumapit tayo sa kanya nang may pasasalamat, at masaya nating isigaw ang mga awit ng papuri sa kanya. |
| 3 |
| Dahil ang Panginoon ay dakilang Dios. Makapangyarihang hari sa lahat ng mga dios. |
| 4 |
| Siya ang may-ari ng kailaliman ng lupa at tuktok ng mga bundok. |
| 5 |
| Sa kanya rin ang dagat pati ang lupain na kanyang ginawa. |
| 6 |
| Halikayo, lumuhod tayo at sumamba sa Panginoon na lumikha sa atin. |
| 7 |
| Dahil siya ang ating Dios at tayo ang kanyang mga mamamayan na gaya ng mga tupa sa kanyang kawan na kanyang binabantayan at inaalagaan. Kapag narinig ninyo ang tinig niya, |
| 8 |
| huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso, katulad ng ginawa noon ng inyong mga ninuno doon sa Meriba at sa ilang ng Masa. |
| 9 |
| Sinabi ng Dios, “Sinubok nila ako doon, kahit na nakita nila ang mga ginawa ko. |
| 10 |
| Sa loob ng 40 taon, lubha akong nagalit sa kanila. At sinabi kong silaʼy mga taong naligaw ng landas at hindi sumusunod sa aking mga itinuturo. |
| 11 |
| Kaya sa galit ko, isinumpa kong hindi nila makakamtan ang kapahingahang galing sa akin.” |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/095.mp3
150
95