Ang Biblia 2001
|
| 1 |
| Ang PANGINOON ay naghahari! Magalak ang lupa; ang maraming pulo ay matuwa nawa! |
| 2 |
| Nasa palibot niya ang mga ulap at pusikit na kadiliman; ang saligan ng kanyang trono ay katuwiran at kahatulan. |
| 3 |
| Apoy ang nasa unahan niya, at sinusunog ang kanyang kaaway sa buong palibot. |
| 4 |
| Nililiwanagan ng kanyang mga kidlat ang sanlibutan; nakikita ng lupa at ito'y nayayanig. |
| 5 |
| Ang mga bundok ay natunaw na parang pagkit sa harapan ng PANGINOON, sa harapan ng Panginoon ng buong lupa. |
| 6 |
| Ipinahahayag ng langit ang kanyang katuwiran, at namasdan ng lahat ng bayan ang kanyang kaluwalhatian. |
| 7 |
| Mapahiya nawa silang lahat na sumasamba sa mga larawan, na kanilang ipinagmamalaki ang diyus-diyosan; lahat ng mga diyos ay sasamba sa kanya. |
| 8 |
| Narinig ng Zion at siya'y natuwa, at ang mga anak na babae ng Juda ay nagalak, dahil sa iyong mga kahatulan, O Diyos. |
| 9 |
| Sapagkat ikaw, O PANGINOON, ay kataas-taasan sa buong lupa; ikaw ay higit na mataas kaysa lahat ng mga diyos. |
| 10 |
| Kayong nagmamahal sa PANGINOON, kamuhian ninyo ang kasamaan, ang kaluluwa ng kanyang mga banal ay kanyang iniingatan; kanyang sinasagip sila sa kamay ng makasalanan. |
| 11 |
| Ang liwanag ay itinatanim para sa mga matuwid; at ang kagalakan para sa may matuwid na puso. |
| 12 |
| Magagalak kayo sa PANGINOON, kayong mga matuwid; at magpasalamat sa kanyang banal na pangalan. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2001/psalms/097.mp3
150
97