Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Si Yahweh ay naghahari, magalak ang buong mundo! Magsaya nama't magdiwang, lahat kayong mga pulo! |
| 2 |
| Ang paligid niya'y ulap na punô ng kadiliman, kaharian niya'y matuwid at salig sa katarungan. |
| 3 |
| Sa unahan niya'y apoy, patuloy na nag-aalab, sinusunog ang kaaway sa matindi nitong ningas. |
| 4 |
| Yaong mga kidlat niyang tumatanglaw sa daigdig, kapag iyon ay namasdan, ang lahat ay nanginginig. |
| 5 |
| Itong mga kabundukan ay madaling nalulusaw, sa presensya ni Yahweh, Diyos ng sandaigdigan. |
| 6 |
| Sa langit ay nahahayag nga ang kanyang katuwiran, sa lupa ay makikita ang kanyang kadakilaan. |
| 7 |
| Lahat silang sumasamba sa kanilang diyus-diyosan, mahihiya sa kanilang paghahambog na mainam. Mga diyos nilang ito ay yuyuko sa Maykapal. |
| 8 |
| Nagagalak itong Zion, mamamaya'y nagsasaya, nagagalak ang lahat ng mga lunsod nitong Juda, dahilan sa wastong hatol yaong gawad na parusa. |
| 9 |
| Ikaw, Yahweh, ay Dakila at hari ng buong lupa, dakila ka sa alinmang mga diyos na ginawa. |
| 10 |
| Mahal ni Yahweh ang lahat ng namumuhi sa masama, siya ang nag-iingat sa buhay ng mga lingkod niya; sa kamay ng mga buktot, tiyak na ililigtas niya. |
| 11 |
| Sa tapat ang pamumuhay ay sisinag ang liwayway, sa dalisay namang puso maghahari'y kagalakan. |
| 12 |
| Kayong mga matuwid, kay Yahweh ay magalak, sa banal niyang pangalan kayo'y magpasalamat. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/097.mp3
150
97