Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Ang Panginoon ay naghahari! Kaya magalak ang mundo, pati na ang mga isla. |
| 2 |
| Napapalibutan siya ng makakapal na ulap at naghahari nang may katuwiran at katarungan. |
| 3 |
| May apoy sa unahan niya at sinusunog nito ang mga kaaway niyang nakapalibot sa kanya. |
| 4 |
| Ang kanyang mga kidlat ay lumiliwanag sa mundo. Nakita ito ng mga tao at nanginig sila sa takot. |
| 5 |
| Natutunaw na parang kandila ang mga kabundukan sa presensya ng Panginoon, ang Panginoon na naghahari sa buong mundo. |
| 6 |
| Ipinapahayag ng langit na matuwid siya at nakikita ng lahat ng tao ang kanyang kaluwalhatian. |
| 7 |
| Mapapahiya ang lahat ng sumasamba sa mga dios-diosan at ang mga nagmamalaki sa mga ito. Ang lahat ng mga dios ay lumuhod at sambahin ang Dios. |
| 8 |
| Panginoon, narinig ng mga taga-Zion at ng mga taga-Juda ang tungkol sa inyong wastong pamamaraan ng pamamahala, kaya tuwang-tuwa sila. |
| 9 |
| Dahil kayo, Panginoon, ang Kataas-taasang Dios ay naghahari sa buong mundo. Higit kayong dakila kaysa sa lahat ng mga dios. |
| 10 |
| Kayong mga umiibig sa Panginoon ay dapat mamuhi sa kasamaan. Dahil iniingatan ng Panginoon ang buhay ng kanyang mga tapat na mamamayan at inililigtas niya sila sa masasama. |
| 11 |
| Ang kabutihan ng Dios ay parang araw na sumisinag sa matutuwid at nagbibigay ito ng kagalakan sa kanila. |
| 12 |
| Kayong matutuwid, magalak kayo sa Panginoon. Pasalamatan siya at purihin ang kanyang pangalan! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/097.mp3
150
97