Tagalog Bible TLBA
|
| 1 |
| Ang Panginoon ay naghahari; magalak ang lupa; matuwa ang karamihan ng mga pulo. |
| 2 |
| Mga ulap at kadiliman ay nasa palibot niya: katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan. |
| 3 |
| Apoy ay nagpapauna sa kaniya, at sinusunog ang kaniyang kaaway sa buong palibot. |
| 4 |
| Tumatanglaw ang mga kidlat niya sa sanglibutan: nakita ng lupa, at niyanig. |
| 5 |
| Ang mga bundok ay natunaw na parang pagkit sa harap ng Panginoon, sa harapan ng Panginoon ng buong lupa. |
| 6 |
| Ipinahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran, at nakita ng lahat na bayan ang kaniyang kaluwalhatian. |
| 7 |
| Mangahiya silang lahat na nangaglilingkod sa mga larawan, nangaghahambog tungkol sa mga diosdiosan: kayo'y magsisamba sa kaniya kayong lahat na mga dios. |
| 8 |
| Narinig ng Sion, at natuwa, at ang mga anak na babae ng Juda ay nangagalak; dahil sa iyong mga kahatulan, Oh Panginoon. |
| 9 |
| Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay kataastaasan sa buong lupa: ikaw ay nataas na totoong higit kay sa lahat na mga dios. |
| 10 |
| Oh kayong nagsisiibig sa Panginoon, ipagtanim ninyo ang kasamaan. Kaniyang iniingatan ang mga kaluluwa ng kaniyang mga banal; kaniyang iniligtas sila sa kamay ng masama. |
| 11 |
| Liwanag ang itinanim na ukol sa mga banal, at kasayahan ay sa may matuwid na puso. |
| 12 |
| Mangatuwa kayo sa Panginoon, kayong mga matuwid; at mangagpasalamat sa kaniyang banal na pangalan. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalogtlba/psalms/097.mp3
150
97