Ang Biblia 1905 TLAB
|
| 1 |
| Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit; sapagkat siyay gumawa ng mga kagilagilalas na bagay: ang kaniyang kanan at ang kaniyang banal na bisig ay gumawa ng kaligtasan para sa kaniya: |
| 2 |
| Ipinakilala ng Panginoon ang kaniyang pagliligtas: ang kaniyang katuwiran ay ipinakilala niyang lubos sa paningin ng mga bansa. |
| 3 |
| Kaniyang inalaala ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang pagtatapat sa bahay ng Israel: nakita ng lahat ng mga wakas ng lupa ang pagliligtas ng aming Dios. |
| 4 |
| Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, buong lupa. Mangagpasimula at magsiawit dahil sa kagalakan, oo, magsiawit kayo ng mga pagpuri. |
| 5 |
| Magsiawit kayo sa Panginoon ng mga pagpuri ng alpa; ng alpa at ng tinig na tugma. |
| 6 |
| Ng mga pakakak at tunog ng corneta magkaingay kayo na may kagalakan sa harap ng Hari, ng Panginoon. |
| 7 |
| Humugong ang dagat at ang buong naroon; ang sanglibutan at ang nagsisitahan doon; |
| 8 |
| Ipakpak ng mga baha ang kanilang mga kamay; magawitan ang mga burol dahil sa kagalakan; |
| 9 |
| Sa harap ng Panginoon, sapagkat siyay dumarating upang hatulan ang lupa: kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan, at ng karapatan ang mga bayan. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog/psalms/098.mp3
150
98