Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Kumanta ng bagong awit at kay Yahweh ay ialay, pagkat mga ginawa niya ay kahanga-hangang tunay! Sa sariling lakas niya at kabanalan niyang taglay, walang hirap na natamo itong hangad na tagumpay. |
| 2 |
| Ang tagumpay ni Yahweh, siya na rin ang naghayag, sa harap ng mga bansa'y nahayag ang pagliligtas. |
| 3 |
| Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad, tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas. Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay nahayag! |
| 4 |
| Magkaingay na may galak, lahat ng nasa daigdig; si Yahweh ay buong galak na purihin sa pag-awit! |
| 5 |
| Sa saliw ng mga lira kayong lahat ay umawit, at si Yahweh ay purihin sa ating mga tugtugin. |
| 6 |
| Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambuli, magkaingay sa harapan ni Yahweh na ating Hari. |
| 7 |
| Mag-ingay ka, karagatan, at lahat ng lumalangoy, umawit ang buong mundo at lahat ng naroroon. |
| 8 |
| Umugong sa palakpakan pati yaong karagatan; umawit ding nagagalak ang lahat ng kabundukan. |
| 9 |
| Si Yahweh ay dumarating, maghahari sa daigdig; taglay niya'y katarungan at paghatol na matuwid. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/098.mp3
150
98