Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Umawit tayo ng bagong awit sa Panginoon, dahil gumawa siya ng mga kahanga-hangang bagay! Sa kanyang kapangyarihan at kalakasaʼy tinalo niya ang ating mga kaaway. |
| 2 |
| Ipinakita ng Panginoon sa mga bansa ang kanyang pagliligtas at pagiging makatuwiran. |
| 3 |
| Hindi niya kinalimutan ang kanyang pag-ibig at katapatan sa atin na taga-Israel. Nakita ng lahat ng tao sa buong mundo ang pagliligtas ng ating Dios. |
| 4 |
| Kayong lahat ng tao sa buong mundo, sumigaw kayo sa tuwa sa Panginoon! Buong galak kayong umawit ng papuri sa kanya. |
| 5 |
| Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon habang tinutugtog ang mga alpa at mga trumpeta at tambuli. Sumigaw kayo sa galak sa presensya ng Panginoon na ating Hari. |
| 6 |
| 7 |
| Magalak ang buong mundo at ang lahat ng naninirahan dito, pati ang mga dagat at ang lahat ng narito. |
| 8 |
| Magpalakpakan ang mga ilog at sabay-sabay na magsiawit sa tuwa ang mga kabundukan |
| 9 |
| Natutuwa sila sa presensya ng Panginoon dahil darating siya upang hatulan ang lahat ng tao sa buong mundo. Hahatulan niya sila nang matuwid at walang kinikilingan. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/098.mp3
150
98