Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Si Yahweh ay naghahari kaya't sa takot ay, mga tao'y nanginginig, trono'y sa ibabaw ng mga kerubin, kaya daigdig ay nayayanig. |
| 2 |
| Si Yahweh'y dakilang tunay, sa Zion o sa mga bansa, si Yahweh ang naghahari sa lahat ng mga nilikha. |
| 3 |
| Purihin natin ang banal at dakila niyang ngalan, si Yahweh ay banal! |
| 4 |
| Ikaw ay dakilang Hari, umiibig sa katuwiran, ang dulot mo sa Israel ay ganap na katarungan; ang dulot mo sa kanila ay pagtinging pantay-pantay. |
| 5 |
| Si Yahweh na ating Diyos ay lubos na parangalan; sa harap ng kanyang trono, tayo ay manambahan! Si Yahweh ay banal! |
| 6 |
| Si Moises at si Aaron, na mga pari niya; at si Samuel nama'y lingkod na sa kanya ay sumamba; nang si Yahweh'y dalanginan, dininig naman sila. |
| 7 |
| Si Yahweh ay nagsalita sa isang haliging ulap; sila naman ay nakinig, utos niya ay tinupad. |
| 8 |
| O Yahweh na aming Diyos, sinagot mo sila agad, at ikaw ay nakilalang Diyos na mapagpatawad; ngunit pinagdurusa mo kung ang gawa'y hindi tumpak. |
| 9 |
| Ang Diyos natin na si Yahweh, dapat nating parangalan, sa banal na bundok niya sambahin ang kanyang ngalan! Si Yahweh na ating Diyos ay banal! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/099.mp3
150
99