Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Naghahari ang Panginoon at nakaupo sa gitna ng mga kerubin. Kaya ang mga taoʼy nanginginig sa takot at ang mundoʼy nayayanig. |
| 2 |
| Makapangyarihan ang Panginoon sa Zion, dinadakila siya sa lahat ng bansa. |
| 3 |
| Magpupuri ang mga tao sa kanya dahil siya ay makapangyarihan at kagalang-galang. Siya ay banal! |
| 4 |
| Siyaʼy haring makapangyarihan at ang nais niyaʼy katarungan. Sa kanyang paghatol ay wala siyang kinikilingan, at ang ginagawa niya sa Israel ay matuwid at makatarungan. |
| 5 |
| Purihin ang Panginoon na ating Dios. Sambahin siya sa kanyang templo. Siya ay banal! |
| 6 |
| Sina Moises at Aaron ay kanyang mga pari, at si Samuel ay isa sa mga nanalangin sa kanya. Tumawag sila sa Panginoon at tinugon niya sila. |
| 7 |
| Nakipag-usap siya sa kanila mula sa ulap na parang haligi; sinunod nila ang mga katuruan at tuntunin na kanyang ibinigay. |
| 8 |
| Panginoon naming Dios, sinagot nʼyo ang dalangin ng inyong mga mamamayan. Ipinakita nʼyo sa kanila na kayo ay Dios na mapagpatawad kahit na pinarusahan nʼyo sila sa kanilang mga kasalanan. |
| 9 |
| Purihin ang Panginoon na ating Dios. Sambahin siya sa kanyang banal na Bundok, dahil ang Panginoon na ating Dios ay banal. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/099.mp3
150
99