|
| 1 |
|
| Ang mga kawikaan ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel: |
|
| 2 |
|
| Upang umalam ng karunungan at turo; upang bulayin ang mga salita ng pagkaunawa; |
|
| 3 |
|
| Upang tumanggap ng turo sa pantas na paguugali, sa katuwiran, at kahatulan, at karampatan; |
|
| 4 |
|
| Upang magbigay ng katalinuhan sa musmos. Kaalaman at pagbubulay sa kabataan: |
|
| 5 |
|
| Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo: at upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo: |
|
| 6 |
|
| Upang umunawa ng kawikaan at ng kahulugan; ng mga salita ng pantas, at ng kanilang malalabong sabi. |
|
| 7 |
|
| Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo. |
|
| 8 |
|
| Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina: |
|
| 9 |
|
| Sapagka't sila'y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo, at mga kuwintas sa ligid ng iyong leeg. |
|
| 10 |
|
| Anak ko, kung ikaw ay hikayatin ng mga makasalanan, huwag mong tulutan. |
|
| 11 |
|
| Kung kanilang sabihin, sumama ka sa amin, tayo'y magsibakay sa pagbububo ng dugo, tayo'y mangagkubli ng silo na walang anomang kadahilanan sa walang sala; |
|
| 12 |
|
| Sila'y lamunin nating buhay na gaya ng Sheol. At buo, na gaya ng nagsibaba sa lungaw; |
|
| 13 |
|
| Tayo'y makakasumpong ng lahat na mahalagang pag-aari, ating pupunuin ang ating mga bahay ng samsam; |
|
| 14 |
|
| Ikaw ay makikipagsapalaran sa gitna namin; magkakaroon tayong lahat ng isang supot: |
|
| 15 |
|
| Anak ko, huwag kang lumakad sa daan na kasama nila; pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas: |
|
| 16 |
|
| Sapagka't ang kanilang mga paa ay nagsisitakbo sa kasamaan, at sila'y nangagmamadali sa pagbububo ng dugo. |
|
| 17 |
|
| Sapagka't walang kabuluhang naladlad ang silo, sa paningin ng alin mang ibon: |
|
| 18 |
|
| At binabakayan ng mga ito ang kanilang sariling dugo, kanilang ipinagkukubli ng silo ang kanilang sariling mga buhay. |
|
| 19 |
|
| Ganyan ang mga lakad ng bawa't sakim sa pakinabang; na nagaalis ng buhay ng mga may-ari niyaon. |
|
| 20 |
|
| Karunungan ay humihiyaw na malakas sa lansangan; kaniyang inilalakas ang kaniyang tinig sa mga luwal na dako; |
|
| 21 |
|
| Siya'y humihiyaw sa mga pangulong dako na pinaglilipunan; sa pasukan ng mga pintuang-bayan, sa bayan, kaniyang binibigkas ang kaniyang mga salita: |
|
| 22 |
|
| Hanggang kailan kayong mga musmos, magsisiibig sa inyong kamusmusan? At ang mga nanunuya ay maliligaya sa panunuya, at ang mga mangmang ay mangagtatanim sa kaalaman? |
|
| 23 |
|
| Magsibalik kayo sa aking saway: narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo. |
|
| 24 |
|
| Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig; |
|
| 25 |
|
| Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, at hindi ninyo inibig ang aking saway: |
|
| 26 |
|
| Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating; |
|
| 27 |
|
| Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo. At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo; pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo. |
|
| 28 |
|
| Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot; hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan: |
|
| 29 |
|
| Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman, at hindi pinili ang takot sa Panginoon. |
|
| 30 |
|
| Ayaw sila ng aking payo; kanilang hinamak ang buo kong pagsaway: |
|
| 31 |
|
| Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad, at mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan. |
|
| 32 |
|
| Sapagka't papatayin sila ng pagtalikod ng musmos, at ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila. |
|
| 33 |
|
| Nguni't ang nakikinig sa akin ay tatahang tiwasay. At tatahimik na walang takot sa kasamaan. |
|
|
|
|