Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Ang kaunting pagkain na pinagsasaluhan nang may kapayapaan ay higit na mabuti kaysa sa maraming pagkain ngunit may alitan. |
| 2 |
| Pamumunuan ng marunong na lingkod ang nakakahiyang anak ng kanyang amo at sa kanilang mamanahin makakabahagi pa ito. |
| 3 |
| Sinusubok ng Panginoon ang puso ng tao katulad ng pilak at ginto na sinusubok sa apoy kung ito ay tunay o hindi. |
| 4 |
| Ang taong masama ay gustong makinig sa kapwa niya masama, at ang taong sinungaling ay gustong makinig sa kapwa niya sinungaling. |
| 5 |
| Ang kumukutya sa mahihirap ay inaalipusta ang kanyang Manlilikha. Ang taong nagagalak sa kapahamakan ng iba ay parurusahan. |
| 6 |
| Karangalan ng mga loloʼt lola ang kanilang mga apo, gayon din naman, karangalan ng mga anak ang kanilang mga magulang. |
| 7 |
| Hindi bagay sa hangal ang magsalita ng mabuti, at lalong hindi bagay sa isang namumuno ang magsinungaling. |
| 8 |
| Sa tingin ng iba ang suhol ay parang salamangka na magagawa ang kahit anumang bagay. |
| 9 |
| Kung patatawarin mo ang kasalanan ng iyong kaibigan, mananatili ang inyong samahan, ngunit kung patuloy mong uungkatin ang kanyang kasalanan, masisira ang inyong pagkakaibigan. |
| 10 |
| Sa isang saway lang natututo ang taong may pang-unawa, ngunit ang taong mangmang ay hindi natututo hampasin mo man ng walang awa. |
| 11 |
| Laging naghahanap ng gulo ang taong masama, kaya ipapadala laban sa kanya ang isang taong malupit na magpaparusa sa kanya. |
| 12 |
| Mas mabuti pang masalubong mo ang isang osong inagawan ng anak kaysa sa hangal na gumagawa ng kahangalan. |
| 13 |
| Kapag kasamaan ang iginanti mo sa kabutihang ginawa sa iyo, palaging may masamang mangyayari sa sambahayan mo. |
| 14 |
| Ang simula ng away ay katulad ng butas sa isang dike, kailangang tapalan bago lumaki. |
| 15 |
| Kasuklam-suklam sa Panginoon ang taong nagpaparusa sa taong walang kasalanan o nagpapalaya sa taong may kasalanan. |
| 16 |
| Walang kabuluhang pag-aralin ang taong hangal sapagkat hindi naman niya hinahangad ang matuto. |
| 17 |
| Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at nagkaroon tayo ng kapatid upang sa kagipitan ay tumulong. |
| 18 |
| Ang taong nangakong managot sa utang ng iba ay kulang sa karunungan. |
| 19 |
| Ang taong gusto ng kasalanan ay gusto rin ng kaguluhan. At ang taong mayabang ay naghahanap ng kapahamakan. |
| 20 |
| Hindi uunlad ang taong baluktot ang pag-iisip, at ang taong sinungaling ay dadanas ng kasawian. |
| 21 |
| Ang anak na hangal ay nagdudulot ng kalungkutan at kabiguan sa magulang. |
| 22 |
| Ang pagiging masayahin ay parang gamot na nakabubuti sa katawan, ngunit ang pagiging malungkutin ay nagpapahina ng katawan. |
| 23 |
| Ang taong masama ay tumatanggap ng suhol upang ipagkait ang makatarungang hatol. |
| 24 |
| Ang taong may pang-unawa ay naghahangad pa ng karunungan; ngunit ang isip ng mangmang ay pagala-gala. |
| 25 |
| Ang anak na hangal ay nagdudulot ng kapaitan at kalungkutan sa kanyang mga magulang. |
| 26 |
| Hindi mabuti na parusahan ang taong matuwid o ang taong marangal. |
| 27 |
| Ang taong marunong at nakakaunawa ay maingat magsalita at hindi padalos-dalos. |
| 28 |
| Kahit ang mangmang ay parang marunong at nakakaunawa kapag tahimik. |
|
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/proverbs/017.mp3
31
17