|
| 1 |
|
| Ang taong makasarili ay humihiwalay sa karamihan, at salungat sa lahat ng tamang isipan. |
|
| 2 |
|
| Walang saysay sa mangmang ang lahat ng bagay, ang nais lang niya'y ipakitang siya'y may alam. |
|
| 3 |
|
| Pagsipot ng kasamaan, kasunod ay kahihiyan; kapag nawala ang karangalan, kapalit ay kadustaan. |
|
| 4 |
|
| Ang wika ng tao ay bukal ng karunungan, parang dagat na malalim at malamig na batisan. |
|
| 5 |
|
| Ang pagkiling sa may sala ay isang kamalian; gayundin naman kung ipagkakait ang katarungan. |
|
| 6 |
|
| Ang labi ng mangmang, bunga ay alitan, at ang kanyang bibig, hatid ay kaguluhan. |
|
| 7 |
|
| Kanyang bibig, maghahatid sa sariling kasiraan; kanyang labi nama'y isang bitag na kahuhulugan. |
|
| 8 |
|
| Ang tsismis ay masarap pakinggan, gustung-gusto ng lahat na pag-uusapan. |
|
| 9 |
|
| Ang taong batugan ay sinsama ng taong mapanira. |
|
| 10 |
|
| Ang pangalan ni Yahweh ay matibay na tanggulan, kanlungan ng matuwid mula sa kapahamakan. |
|
| 11 |
|
| Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlungan, akala niya'y maililigtas siya nito sa oras ng kapahamakan. |
|
| 12 |
|
| Ang pagmamataas ay nagbubunga ng kapahamakan, ngunit ang pagpapakumbaba, ay karangalan. |
|
| 13 |
|
| Nakakahiya at isang mangmang ang isang taong sumasagot sa tanong na hindi naman niya nalalaman. |
|
| 14 |
|
| Ang matatag na kalooban ay mabuti sa tao, ngunit kung mahina ang loob, anong mangyayari rito? |
|
| 15 |
|
| Ang matalino ay nagdaragdag ng kaalaman, ang may unawa'y namumulot pa ng karunungan. |
|
| 16 |
|
| Kung nais mapalapit sa maykapangyarihan, magdala ng regalo, sa kanya ay ibigay. |
|
| 17 |
|
| Ang unang pahayag ay inaakalang tama, hangga't hindi naririnig, tanong ng kabila. |
|
| 18 |
|
| Ang sigalot ay maaaring malutas sa palabunutan, at mapagkasundo ang mahigpit na magkaaway. |
|
| 19 |
|
| Ang kaibigang nasaktan ay higit pa sa lunsod na napapaderan, ang di pagkakaunawaan ay mas matibay pa kaysa isang tarangkahan. |
|
| 20 |
|
| Anumang sabihin ng tao ay kanyang pananagutan, ayon sa kanyang salita siya'y gagantimpalaan. |
|
| 21 |
|
| Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay, makikinabang ng bunga nito ang dito ay nagmamahal. |
|
| 22 |
|
| Ang mabuting maybahay ay isang kayamanan; siya'y pagpapala na si Yahweh lang ang may bigay. |
|
| 23 |
|
| Ang mahirap ay lumalapit sa diwa ng pakiusap, ngunit ang sagot ng mayama'y salitang mararahas. |
|
| 24 |
|
| May pagkakaibigang madaling lumamig, ngunit may kaibigang higit pa sa kapatid. |
|
|
|
|