|
| 1 |
|
| Mas mabuti ang mahirap na marangal ang pamumuhay, kaysa taong masalita ngunit walang nalalaman. |
|
| 2 |
|
| Masugid man kung mangmang, walang mapapakinabang; ang kawalan ng tiyaga'y magbubulid sa kaguluhan. |
|
| 3 |
|
| Ipinapahamak ng mangmang ang kanyang sarili, pagkatapos si Yahweh ang kanyang sinisisi. |
|
| 4 |
|
| Ang kayamana'y umaakit ng maraming kaibigan, ngunit ang mahirap ay tinatalikuran ng dating kasamahan. |
|
| 5 |
|
| Ang bulaang saksi ay tiyak na mapaparusahan, at ang sinungaling ay wala ring tatakbuhan. |
|
| 6 |
|
| Marami ang lumalapit sa taong mabait, at sa taong bukas-palad, lahat ay malapit. |
|
| 7 |
|
| Kung ang mahirap ay tinatalikuran ng mismong kapatid, wala na itong magiging kaibigan, kaninuman lumapit. |
|
| 8 |
|
| Ang nagsisikap matuto, sa sarili ay nagmamahal, ang nagpapahalaga sa karunungan ay magtatagumpay. |
|
| 9 |
|
| Ang bulaang saksi ay tiyak na mapaparusahan, at ang sinungaling ay wala ring tatakbuhan. |
|
| 10 |
|
| Ang masaganang pamumuhay ay di angkop sa isang mangmang; gayon din ang alipin, di dapat mamuno sa mga dugong bughaw. |
|
| 11 |
|
| Ang kahinahunan ay nagpapakilala ng katalinuhan, ang pagpapatawad sa masamang ginawa sa kanya ay kanyang karangalan. |
|
| 12 |
|
| Ang poot ng hari ay parang leong umuungal, ngunit ang kanyang paglingap ay parang hamog sa halaman. |
|
| 13 |
|
| Ang anak na hangal ay kasawiang-palad ng kanyang ama, at tila ulang walang tigil ang bibig ng madaldal na asawa. |
|
| 14 |
|
| Namamana sa magulang ang bahay at kayamanan, ngunit si Yahweh lang ang nagbibigay ng mabuting maybahay. |
|
| 15 |
|
| Ang taong tamad ay laging nakatihaya; kaya't siya'y magugutom, walang panlagay sa sikmura. |
|
| 16 |
|
| Ang tumutupad sa kautusan ay nag-iingat ng kanyang buhay, at ang nagwawalang-bahala sa utos ay tiyak na mamamatay. |
|
| 17 |
|
| Parang pagpapautang kay Yahweh ang pagtulong sa mahirap, at pagdating ng panahon, si Yahweh ang magbabayad. |
|
| 18 |
|
| Ituwid mo ang iyong anak habang may pagkakataon pa, kung hindi'y ikaw na rin ang nagtulak sa pagkawasak niya. |
|
| 19 |
|
| Di dapat pansinin ang taong mainit ang ulo, mapayuhan mo mang minsan, patuloy ding manggugulo. |
|
| 20 |
|
| Dinggin mo at sundin ang payo sa iyo, at pagdating ng araw, pakikinabangan mo. |
|
| 21 |
|
| Ang isang tao'y maraming iniisip, maraming binabalak, ngunit ang kalooban din ni Yahweh ang siyang mananaig. |
|
| 22 |
|
| Kaibig-ibig sa isang tao ang kanyang katapatan, higit na mainam ang mahirap kaysa isang bulaan. |
|
| 23 |
|
| Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagbibigay ng buhay, ang gumawa nito'y makakaranas ng kapayapaan, at ligtas sa kapahamakan. |
|
| 24 |
|
| Ang kamay ng batugan ay nadidikit sa pinggan, hindi halos makasubo dahil sa katamaran. |
|
| 25 |
|
| Parusahan mo ang mapanuya, matututo pati mangmang, pagsabihan mo ang may unawa, lalawak ang kanyang kaalaman. |
|
| 26 |
|
| Ang anak na suwail sa magulang ay anak na masama at walang kahihiyan. |
|
| 27 |
|
| Ang anak na ayaw makinig sa pangaral ay tumatalikod sa turo ng kaalaman. |
|
| 28 |
|
| Ang saksing sinungaling ay sumisira sa takbo ng katarungan, ang bibig ng liko ay nagbubunga ng kasamaan. |
|
| 29 |
|
| May hatol na nakalaan para sa mga mapanuya, at sa mga mangmang ay may hagupit na nakahanda. |
|
|
|
|