|
| 1 |
|
| Anak ko, kung ang mga salita ko'y iyong tatanggapin, at mga utos ko sa iyo ay iyong pagyayamanin, |
|
| 2 |
|
| ikiling mo sa karunungan ang iyong pandinig, at sa pang-unawa ang puso mo'y ihilig. |
|
| 3 |
|
| Kung ikaw ay sumigaw upang makaalam, at itinaas ang iyong tinig upang makaunawa, |
|
| 4 |
|
| kung kagaya ng pilak, ito'y iyong hahanapin, at tulad ng nakatagong kayamanan, ito'y sasaliksikin, |
|
| 5 |
|
| kung magkagayo'y ang takot sa PANGINOON ay iyong mauunawaan, at ang kaalaman sa Diyos ay iyong matatagpuan. |
|
| 6 |
|
| Sapagkat ang PANGINOON ay nagbibigay ng karunungan, sa kanyang bibig nagmumula ang kaalaman at kaunawaan. |
|
| 7 |
|
| Pinaglalaanan niya ang matuwid ng magaling na karunungan, siya'y kalasag sa mga lumalakad na may katapatan, |
|
| 8 |
|
| upang mabantayan niya ang mga landas ng katarungan, at maingatan ang daan ng kanyang mga banal. |
|
| 9 |
|
| Kung magkagayo'y mauunawaan mo ang katuwiran, ang katarungan at ang katapatan, bawat mabuting daan. |
|
| 10 |
|
| Sapagkat papasok sa iyong puso ang karunungan, at magiging kaaya-aya sa iyong kaluluwa ang kaalaman. |
|
| 11 |
|
| Ang mabuting pagpapasiya ang magbabantay sa iyo, ang pagkaunawa ang mag-iingat sa iyo. |
|
| 12 |
|
| Iligtas ka nito sa daan ng kasamaan, mula sa mga taong nagsasalita ng masasamang bagay; |
|
| 13 |
|
| na nagpapabaya sa mga landas ng katuwiran, upang lumakad sa mga daan ng kadiliman; |
|
| 14 |
|
| na nagagalak sa paggawa ng kasamaan, at sa mga kalikuan ng kasamaan ay nasisiyahan; |
|
| 15 |
|
| na mga lihis sa kanilang mga lakad, at mga suwail sa kanilang mga landas. |
|
| 16 |
|
| Sa masamang babae ikaw ay maliligtas, mula sa mapakiapid at sa mga salita niyang binibigkas, |
|
| 17 |
|
| na nagpapabaya sa kasamahan ng kanyang kabataan, at ang tipan ng kanyang Diyos ay kanyang kinalilimutan; |
|
| 18 |
|
| sapagkat ang kanyang bahay ay lumulubog sa kamatayan, at ang kanyang mga landas tungo sa mga kadiliman; |
|
| 19 |
|
| walang naparoroon sa kanya na nakakabalik muli, ni ang mga landas ng buhay ay kanilang nababawi. |
|
| 20 |
|
| Kaya't ang lakad ng mabubuting tao ang iyong lakaran, at ang mga landas ng matuwid ang iyong pakaingatan. |
|
| 21 |
|
| Sapagkat ang matuwid sa lupain ay mamamalagi, at ang walang sala doon ay mananatili. |
|
| 22 |
|
| Ngunit ang masama ay tatanggalin sa lupain, at ang mga taksil doon ay bubunutin. |
|
|
|
|