|
| 1 |
|
| Aking anak, ang mga pangaral ko ay dinggin mo, at ang aking mga utos, ingatan nga at sundin mo. |
|
| 2 |
|
| Ang pakinig mo'y ibaling sa wastong karunungan, at ito ay isipin nang iyong maunawaan. |
|
| 3 |
|
| Pagsikapan mong hanapin ang tunay na kaalaman, pang-unawa'y pilitin mong makita at masumpungan. |
|
| 4 |
|
| Kung ito ay parang pilak na iyong hahanapin, at tulad ng ginto, na iyong miminahin, |
|
| 5 |
|
| malalaman mo kung ano ang kahulugan ng paggalang at pagsunod kay Yahweh, at matatamo ang kaalaman tungkol sa Diyos. |
|
| 6 |
|
| Sapagkat si Yahweh ang nagkakaloob ng karunungan, sa bibig niya ang kaalaman at unawa'y bumubukal. |
|
| 7 |
|
| Bibigyan niya ng unawa ang matuwid ang pamumuhay, at ang taong matapat ay kanyang iingatan. |
|
| 8 |
|
| Binabantayan niya ang daan ng katarungan, at ang lakad ng lingkod niya'y kanyang sinusubaybayan. |
|
| 9 |
|
| Kaya nga, iyong mauunawaan ang katuwiran at katarungan, at iyong susundan ang landas ng kabutihan. |
|
| 10 |
|
| Lalawak ang karunungang matatanim sa isipan, madadama ang kasiyahang dulot nitong kaalaman. |
|
| 11 |
|
| Ang natamong kaalaman sa iyo ay mag-iingat, ang unawa'y maglilihis sa liku-likong landas. |
|
| 12 |
|
| Ilalayo ka nito sa masamang pamumuhay, at doon sa mga taong ang nais ay kaguluhan; |
|
| 13 |
|
| ilalayo ka rin nito sa mga tampalasan, na ang landas na pinili ay landas ng kadiliman, |
|
| 14 |
|
| mga taong ang hilig ay paggawa ng kasamaan, ang kanilang kasiyaha'y pawang walang kabuluhan. |
|
| 15 |
|
| Sa ugaling taglay nila'y di sila maaasahan, sila ay hindi tapat, hindi mapagkakatiwalaan. |
|
| 16 |
|
| Malalayo ka sa babaing mahalay, at sa kanyang pang-aakit ay hindi ka maaakay. |
|
| 17 |
|
| Siya ay babaing hindi tapat sa asawa; ang sumpaan sa altar ay binaliwala niya. |
|
| 18 |
|
| Kaya naman ang landas niya'y patungo sa kamatayan, at ang kanyang buhay ay tungo sa kawakasan. |
|
| 19 |
|
| Sinumang maakit niya ay tuluyang natatangay, at hindi na makakabalik sa maayos na pamumuhay. |
|
| 20 |
|
| Kaya nga, tahakin mo ang landas ng kabutihan, huwag itong hiwalayan hanggang hininga ay mapatid. |
|
| 21 |
|
| Pagkat ang mabuting tao'y magtatagal sa daigdig, ang may buhay na matapat ay hindi matitinag. |
|
| 22 |
|
| Ngunit ang masama sa lupai'y mawawala, bubunutin pati ugat ng lahat ng mandaraya. |
|
|
|
|