|
| 1 |
|
| Anak, tanggapin at ingatan mo sa iyong puso ang mga itinuturo at iniuutos ko sa iyo. |
|
| 2 |
|
| Pakinggan mo kung ano ang makapagbibigay sa iyo ng karunungan at kaalaman. |
|
| 3 |
|
| Pagsikapan mong magkaroon ng pang-unawa, |
|
| 4 |
|
| na parang naghahanap ka ng pilak o anumang nakatagong kayamanan. |
|
| 5 |
|
| Kung gagawin mo ito, malalaman mo kung ano ang pagkatakot sa Panginoon at mauunawaan mo ang tungkol sa kanya. |
|
| 6 |
|
| Sapagkat ang Panginoon ang nagbibigay ng karunungan, kaalaman, at ng pang-unawa. |
|
| 7 |
|
| Iniingatan niya ang namumuhay nang matuwid, matapat, at walang kapintasan. Binibigyan din niya sila ng katagumpayan. |
|
| 8 |
|
|
|
| 9 |
|
| Kung makikinig ka sa akin, malalaman mo ang dapat mong gawin, ang tama, matuwid at nararapat. |
|
| 10 |
|
| Sapagkat lalong lalawak ang iyong karunungan at magbibigay ito sa iyo ng kaligayahan. |
|
| 11 |
|
| Kapag nakakaunawa ka at marunong magpasya nang tama, iingatan ka nito. |
|
| 12 |
|
| Ilalayo ka ng karunungan sa masamang pag-uugali at sa mga taong nagsasalita ng masama. |
|
| 13 |
|
| Pinili ng mga taong ito na iwanan ang magandang pag-uugali at sumunod sa pamamaraan ng mga nasa kadiliman. |
|
| 14 |
|
| Natutuwa sila sa paggawa ng masama at nasisiyahan sa mga kalikuan nito. |
|
| 15 |
|
| Masama ang pag-uugali nila at hindi matuwid ang kanilang pamumuhay. |
|
| 16 |
|
| Ilalayo ka ng karunungan sa masamang babaeng gustong umakit sa iyo sa pamamagitan ng kanyang matatamis na salita. |
|
| 17 |
|
| Iniwan ng ganyang babae ang napangasawa niya noong kanyang kabataan. Kinalimutan niya ang pangako niya sa Dios nang silaʼy ikasal. |
|
| 18 |
|
| Kapag pumunta ka sa bahay niya, para ka na ring pumunta sa kamatayan. Sapagkat ito ang daan tungo sa daigdig ng mga patay. |
|
| 19 |
|
| Kung sino man ang pupunta sa kanya ay hindi na makakauwi; makakalimutan na niya ang daan patungo sa lugar ng mga buhay. |
|
| 20 |
|
| Kaya tularan mo ang pamumuhay ng mabubuting tao at mamuhay ka ng matuwid. |
|
| 21 |
|
| Sapagkat ang taong namumuhay nang matuwid at walang kapintasan ay mabubuhay nang matagal dito sa daigdig. |
|
| 22 |
|
| Ngunit ang masasama at mga mandaraya ay palalayasin. Bubunutin sila na parang mga damo. |
|
|
|
|