|
| 1 |
|
| Anak ko, kung iyong tatanggapin ang aking mga salita, at tataglayin mo ang aking mga utos; |
|
| 2 |
|
| Na anopa't iyong ikikiling ang iyong pakinig sa karunungan, at ihihilig mo ang iyong puso sa pagunawa; |
|
| 3 |
|
| Oo, kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay, at itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa; |
|
| 4 |
|
| Kung iyong hahanapin siya na parang pilak, at sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago. |
|
| 5 |
|
| Kung magkagayo'y iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon, at masusumpungan mo ang kaalaman ng Dios. |
|
| 6 |
|
| Sapagka't ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan, sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan: |
|
| 7 |
|
| Kaniyang pinapagtataglay ang matuwid ng magaling na karunungan, siya'y kalasag sa nagsisilakad sa pagtatapat; |
|
| 8 |
|
| Upang kaniyang mabantayan ang mga landas ng kahatulan, at maingatan ang daan ng kaniyang mga banal. |
|
| 9 |
|
| Kung magkagayo'y mauunawa mo ang katuwiran at ang kahatulan, at ang karampatan, oo, bawa't mabuting landas. |
|
| 10 |
|
| Sapagka't karunungan ay papasok sa iyong puso, at kaalaman ay magiging ligaya sa iyong kaluluwa; |
|
| 11 |
|
| Kabaitan ay magbabantay sa iyo, pagkaunawa ay magiingat sa iyo: |
|
| 12 |
|
| Upang iligtas ka sa daan ng kasamaan, sa mga taong nagsisipagsalita ng mga masamang bagay; |
|
| 13 |
|
| Na nagpapabaya ng mga landas ng katuwiran, upang magsilakad sa mga daan ng kadiliman; |
|
| 14 |
|
| Na nangagagalak na magsigawa ng kasamaan, at nangaaaliw sa mga karayaan ng kasamaan, |
|
| 15 |
|
| Na mga liko sa kanilang mga lakad, at mga suwail sa kanilang mga landas: |
|
| 16 |
|
| Upang iligtas ka sa masamang babae, sa makatuwid baga'y sa di kilala na nanghahalina ng kaniyang mga salita; |
|
| 17 |
|
| Na nagpapabaya sa kaibigan ng kaniyang kabataan, at lumilimot ng tipan ng kaniyang Dios: |
|
| 18 |
|
| Sapagka't ang kaniyang bahay ay kumikiling sa kamatayan, at ang kaniyang mga landas na sa patay: |
|
| 19 |
|
| Walang naparoroon sa kaniya na bumabalik uli, ni kanila mang tinatamo ang mga landas ng buhay: |
|
| 20 |
|
| Upang ikaw ay makalakad ng lakad ng mabubuting tao, at maingatan ang mga landas ng matuwid. |
|
| 21 |
|
| Sapagka't ang matuwid ay tatahan sa lupain, at ang sakdal ay mamamalagi roon. |
|
| 22 |
|
| Nguni't ang masama ay mahihiwalay sa lupain, at silang nagsisigawang may karayaan ay mangabubunot. |
|
|
|
|