|
| 1 |
|
| Ang alak ay manunuya, ang matapang na alak ay manggugulo; at sinomang napaliligaw sa kaniya ay hindi pantas. |
|
| 2 |
|
| Ang kakilabutan ng hari ay parang ungal ng leon: ang namumungkahi sa kaniya sa galit ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling buhay. |
|
| 3 |
|
| Karangalan sa tao ang magingat sa pakikipagkaalit: ngunit bawat mangmang ay magiging palaaway. |
|
| 4 |
|
| Ang tamad ay hindi magaararo dahil sa tagginaw; kayat siyay magpapalimos sa pagaani, at wala anoman. |
|
| 5 |
|
| Payo sa puso ng tao ay parang malalim na tubig; ngunit iibigin ng taong naguunawa. |
|
| 6 |
|
| Maraming tao ay magtatanyag bawat isa ng kaniyang sariling kagandahang-loob: ngunit sinong makakasumpong sa taong tapat? |
|
| 7 |
|
| Ang ganap na tao na lumalakad sa kaniyang pagtatapat, mapapalad ang kaniyang mga anak na susunod sa kaniya. |
|
| 8 |
|
| Ang hari na nauupo sa luklukan ng kahatulan pinananabog ng kaniyang mga mata ang lahat na kasamaan. |
|
| 9 |
|
| Sinong makapagsasabi, nilinis ko ang aking puso, akoy dalisay sa aking kasalanan? |
|
| 10 |
|
| Mga ibat ibang panimbang, at mga ibat ibang takalan, kapuwa mga karumaldumal sa Panginoon. |
|
| 11 |
|
| Ang bata man ay nagpapakilala sa kaniyang mga gawa, kung ang kaniyang gawa ay magiging malinis, at kung magiging matuwid. |
|
| 12 |
|
| Ang nakikinig na tainga, at ang nakakakitang mata, kapuwa ginawa ng Panginoon. |
|
| 13 |
|
| Huwag mong ibigin ang pagtulog, baka ka madukha; idilat mo ang iyong mga mata, at mabubusog ka ng tinapay. |
|
| 14 |
|
| Walang halaga, walang halaga, sabi ng mamimili: ngunit pagka nakalayo siya, naghahambog nga. |
|
| 15 |
|
| May ginto, at saganang mga rubi: ngunit ang mga labi ng kaalaman ay mahalagang hiyas. |
|
| 16 |
|
| Kunin mo ang kaniyang suot na nananagot sa di kilala; at tanggapan mo ng sanla ang nananagot sa mga di kilala. |
|
| 17 |
|
| Tinapay ng kasinungalingan ay matamis sa tao: ngunit pagkatapos ay mabubusog ang kaniyang bibig ng batong lapok. |
|
| 18 |
|
| Bawat panukala ay natatatag sa pamamagitan ng payo: at sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka. |
|
| 19 |
|
| Ang yumayaong mapaghatid-dumapit ay naghahayag ng mga lihim: kayat huwag kang makisalamuha sa kaniya na nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi. |
|
| 20 |
|
| Siyang sumusumpa sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, ang kaniyang ilawan ay papatayin sa salimuot na kadiliman. |
|
| 21 |
|
| Ang mana ay matatamong madali sa pasimula; ngunit ang wakas niyaoy hindi pagpapalain. |
|
| 22 |
|
| Huwag mong sabihin, akoy gaganti ng kasamaan: maghintay ka sa Panginoon, at kaniyang ililigtas ka. |
|
| 23 |
|
| Mga ibat ibang panimbang ay karumaldumal sa Panginoon; at ang sinungaling na timbangan ay hindi mabuti. |
|
| 24 |
|
| Ang mga lakad ng tao ay sa Panginoon; paano ngang mauunawa ng tao ang kaniyang lakad? |
|
| 25 |
|
| Silo nga sa tao ang magsabi ng walang pakundangan, banal nga, at magsiyasat pagkatapos ng mga panata. |
|
| 26 |
|
| Ang pantas na hari ay nagpapapanabog ng masama. At dinadala sa kanila ang gulong na panggiik. |
|
| 27 |
|
| Ang diwa ng tao ay ilawan ng Panginoon, na sumisiyasat ng mga pinakaloob na bahagi ng tiyan. |
|
| 28 |
|
| Kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapalagi sa hari: at ang kaniyang luklukan ay inaalalayan ng kagandahang-loob. |
|
| 29 |
|
| Ang kaluwalhatian ng mga binata ay ang kanilang kalakasan: at ang kagandahan ng matanda ay ang ulong may uban. |
|
| 30 |
|
| Ang mga latay na sumasakit ay lumilinis ng kasamaan: at ang mga hampas ay dinaramdam sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan. |
|
|
|
|