|
| 1 |
|
| Ang alak ay nagpapababa sa dangal ng isang tao, kaya isang kamangmangan ang magpakalulong dito. |
|
| 2 |
|
| Ang poot ng hari ay parang leong umuungal, ang gumalit sa kanya'y nanganganib ang buhay. |
|
| 3 |
|
| Ang marangal na tao'y umiiwas sa kaguluhan, ngunit ang gusto ng mangmang ay laging pag-aaway. |
|
| 4 |
|
| Ang taong tamad sa panahon ng taniman ay walang magagapas pagdating ng anihan. |
|
| 5 |
|
| Tulad ng tubig na malalim ang isipan ng isang tao, ngunit ito'y matatarok ng isang matalino. |
|
| 6 |
|
| Sinasabi ng bawat isa na siya ay tapat, ngunit kahit kanino sa kanila'y hindi ka nakakatiyak. |
|
| 7 |
|
| Kung ang isang ama'y namumuhay sa katuwiran, mapalad ang mga anak na siya ang tinutularan. |
|
| 8 |
|
| Sa pagluklok ng hari upang igawad ang kahatulan, walang matatagong anumang kasamaan. |
|
| 9 |
|
| Sino ang makakapagsabi na ang puso niya'y malinis at di namuhay sa kasamaan kahit isang saglit? |
|
| 10 |
|
| Ang mandarayang timbangan at mandarayang sukatan, kay Yahweh ay parehong kasuklam-suklam. |
|
| 11 |
|
| Kahit ang bata ay makikilala sa kanyang mga gawa; makikita sa kanyang kilos kung siya ay tapat nga. |
|
| 12 |
|
| Ang taingang nakakarinig at matang nakakakita, parehong si Yahweh ang siyang maylikha. |
|
| 13 |
|
| Matulog ka nang matulog at ika'y maghihirap, ngunit maganda ang iyong bukas kung ika'y magsisikap. |
|
| 14 |
|
| Ang sabi ng mamimili, “Ang presyo mo'y ubod taas.” Ngunit pagtalikod ay ipinamamalitang nakabarat. |
|
| 15 |
|
| Ang taong nakakaalam ng kanyang sinasabi, daig pa ang may ginto at alahas na marami. |
|
| 16 |
|
| Ang sinumang nananagot sa utang ng iba, dapat kunan ng ari-arian bilang garantiya. |
|
| 17 |
|
| Anumang nakuha sa pandaraya ay parang masarap na pagkain, ngunit kapag tumagal ay para kang kumain ng buhangin. |
|
| 18 |
|
| Ang mabuting payo ay kailangan para magtagumpay; kung hindi ka handa huwag nang pumalaot sa labanan. |
|
| 19 |
|
| Ang lihim ay nahahayag dahil sa mga tsismis, kaya huwag kang makisama sa taong makati ang dila. |
|
| 20 |
|
| Sinumang magmura sa kanyang magulang, parang ilaw na walang ningas ang wakas ng kanyang buhay. |
|
| 21 |
|
| Ang perang hindi pinaghirapan, kung gastusin ay walang hinayang. |
|
| 22 |
|
| Huwag mong gantihan ng masama ang masama; tutulungan ka ni Yahweh, sa kanya ka magtiwala. |
|
| 23 |
|
| Si Yahweh ay napopoot sa panukat na di tama, siya ay namumuhi sa timbangang may daya. |
|
| 24 |
|
| Si Yahweh lamang ang nagtatakda ng ating landasin; kaya huwag ipagyabang ang iyong lakbayin. |
|
| 25 |
|
| Bago mangako sa Diyos ay isiping mabuti, upang hindi ka magsisi sa bandang huli. |
|
| 26 |
|
| Malalaman ng haring matalino ang lahat ng gumagawa ng masama, at pagdating ng araw sila'y pinaparusahan nang walang awa. |
|
| 27 |
|
| Binigyan tayo ni Yahweh ng isipan at ng budhi, kaya't wala tayong maitatago kahit na sandali. |
|
| 28 |
|
| Ang haring tapat at makatarungan ay magtatagal sa kanyang luklukan. |
|
| 29 |
|
| Karangalan ng kabataan ang kanyang kalakasan, ang putong ng katandaan, buhok na panay uban. |
|
| 30 |
|
| Ang hampas na lumalatay ay lumilinis ng kasamaan, at ang palong nadarama'y humuhugas sa kalooban. |
|
|
|
|