|
| 1 |
|
| Hawak ni Yahweh ang isip ng isang hari at naibabaling niya ito kung saan igawi. |
|
| 2 |
|
| Ang akala ng tao lahat ng kilos niya'y wasto, ngunit si Yahweh lang ang nakakasaliksik ng puso. |
|
| 3 |
|
| Higit na kalugud-lugod kay Yahweh kaysa mga handog ang mga gawang makatuwiran at makatarungan. |
|
| 4 |
|
| Ugaling mapangmata at pusong mapagyabang, ito ang siyang gabay ng mga makasalanan. |
|
| 5 |
|
| Ang mabuting pagbabalak ay pinapakinabangan, ngunit ang dalus-dalos na paggawa'y walang kahihinatnan. |
|
| 6 |
|
| Ang pagkakamal ng salapi dahil sa kadayaan ay maghahatid sa maagang kamatayan. |
|
| 7 |
|
| Ang masama'y ipinapahamak ng sariling karahasan, pagkat ayaw gawin ang talagang katuwiran. |
|
| 8 |
|
| Ang landas ng may sala ay paliku-liko, ngunit ang lakad ng matuwid ay laging wasto. |
|
| 9 |
|
| Masarap pa ang tumira sa bubungan ng bahay kaysa sa loob ng bahay na ang kasama'y asawang madaldal. |
|
| 10 |
|
| Ang isip ng masama'y lagi sa kalikuan, kahit na kanino'y walang pakundangan. |
|
| 11 |
|
| Parusahan mo ang mangungutya at matututo ang mangmang, pagsabihan mo ang matino, lalong lalawak ang kanyang kaalaman. |
|
| 12 |
|
| Alam ng Diyos ang nangyayari sa loob ng bahay ng masama, at siya'y gumagawa ng paraan upang sila'y mapariwara. |
|
| 13 |
|
| Ang hindi pumapansin sa daing ng mahirap, daraing din balang araw ngunit walang lilingap. |
|
| 14 |
|
| Kung ang kapwa mo ay may hinanakit, regaluhan mo nang palihim, mawawala ang galit. |
|
| 15 |
|
| Kapag umiiral ang katarungan, natutuwa ang matuwid, ngunit nalulungkot ang masama at may likong pag-iisip. |
|
| 16 |
|
| Ang lumilihis sa daan ng kaalaman ay hahantong sa kamatayan. |
|
| 17 |
|
| Ang taong maluho at mahilig sa alak ay di yayaman, bagkus sa hirap siya'y masasadlak. |
|
| 18 |
|
| Ang masamang balak sa taong matuwid ay babalik sa liko ang pag-iisip. |
|
| 19 |
|
| Mas mabuti ang mag-isang manirahan sa ilang kaysa makisama sa asawang madaldal at palaaway. |
|
| 20 |
|
| Ang bahay ng matalino'y napupuno ng kayamanan, ngunit lahat ay winawaldas ng taong mangmang. |
|
| 21 |
|
| Ang lumalakad sa daan ng katuwiran at katapatan ay nagkakamit ng buhay at karangalan. |
|
| 22 |
|
| Ang matalinong pinuno ay makakapasok sa lunsod na may mga bantay, at kanyang maiguguho ang inaasahan nilang muog na matibay. |
|
| 23 |
|
| Ang pumipigil sa kanyang dila ay umiiwas sa masama. |
|
| 24 |
|
| Ang taong makasarili ay palalo at mapang-api. |
|
| 25 |
|
| Gutom ang papatay sa taong batugan, pagkat ayaw niyang ikilos ang kanyang mga kamay. |
|
| 26 |
|
| Ang taong tamad ay nanghihingi araw-araw, ngunit ang matuwid ay di nagsasawa ng kabibigay. |
|
| 27 |
|
| Ang handog ng masama ay kasuklam-suklam sa Diyos, lalo't ang layunin nito ay di kalugud-lugod. |
|
| 28 |
|
| Ang patotoo ng sinungaling ay di papakinggan, ngunit ang salita ng tapat ay pahahalagahan. |
|
| 29 |
|
| Alam ng matuwid ang kanyang hinaharap, di tulad ng masama, nagkukunwa, nagpapanggap. |
|
| 30 |
|
| Ang kaalaman ng tao, unawa o karunungan ay di makatutulong kung si Yahweh ay kalaban. |
|
| 31 |
|
| Ang kabayo'y naihahanda para sa digmaan, ngunit tanging si Yahweh ang nagbibigay ng tagumpay. |
|
|
|
|