|
| 1 |
|
| Mas mabuting piliin ang malinis na pangalan, kaysa pilak at ginto o anumang kayamanan. |
|
| 2 |
|
| Kay Yahweh ay pareho ang mayama't mahirap, pagkat siya ang may lalang sa kanilang lahat. |
|
| 3 |
|
| Kung may dumarating na panganib, ang matalino'y nag-iingat, ngunit di ito pansin ng mangmang kaya siya'y napapahamak. |
|
| 4 |
|
| Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh at ang kapakumbabaan ay nagbubunga ng yaman, buhay at karangalan. |
|
| 5 |
|
| Sa landas ng masama ay may tinik at mga patibong, at ang nagmamahal sa sarili ay umiiwas doon. |
|
| 6 |
|
| Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki'y di niya ito malilimutan. |
|
| 7 |
|
| Ang mahirap ay nasa kapangyarihan ng mayaman, ang nangangailangan ay alipin ng nagpapahiram. |
|
| 8 |
|
| Ang naghahasik ng kasamaan ay mag-aani ng kamalasan, at hindi magtatagal ang kanyang kasamaan. |
|
| 9 |
|
| Ang mahirap ay bahaginan mo ng pagkain, at tiyak na ikaw ay pagpapalain. |
|
| 10 |
|
| Palayasin mo ang mga sulsol at mawawala ang alitan, at matitigil ang kaguluhan pati pag-aaway. |
|
| 11 |
|
| Ang magiliw mangusap at may pusong dalisay, pati ang hari'y magiging kaibigan. |
|
| 12 |
|
| Binabantayan ni Yahweh ang mga nag-iingat ng kaalaman, ngunit di niya pinagtatagumpay ang salita ng mga mangmang. |
|
| 13 |
|
| Ang tamad ay ayaw lumabas ng bahay, ang idinadahila'y may leon sa daan. |
|
| 14 |
|
| Ang salita ng mapang-apid ay isang patibong at ang mga hindi nagtitiwala kay Yahweh ang nahuhulog doon. |
|
| 15 |
|
| Likas sa mga bata ang pagiging pilyo, ngunit sa pamamagitan ng palo, sila'y matututo. |
|
| 16 |
|
| Ang nagreregalo sa mayaman o umaapi sa mahirap para magpayaman ay mauuwi rin sa karalitaan. |
|
| 17 |
|
| Pakinggan mo at pag-aralang mabuti ang aking mga ituturo. |
|
| 18 |
|
| Ito'y magdudulot sa iyo ng kaligayahan kung isasaulo mo. |
|
| 19 |
|
| Sinasabi ko ito sa iyo sapagkat nais kong si Yahweh ang iyong panaligan. |
|
| 20 |
|
| Tatlumpu ang kawikaang ito. Bawat isa ay magandang panuntunan at magdudulot ng kaalaman. |
|
| 21 |
|
| Ituturo nito sa iyo kung ano ang katotohanan. Sa gayon, may maisasagot ka kung may magtanong sa iyo. |
|
| 22 |
|
| Huwag mong samantalahin ang kahinaan ng mahihirap, ni pagmalabisan ang dukha sa harap ng hukuman. |
|
| 23 |
|
| Sapagkat ipagtatanggol sila ni Yahweh, at aagawan niya ang nang-agaw sa mga iyon. |
|
| 24 |
|
| Huwag kang makipagkaibigan sa taong bugnutin, ni makisama sa taong magagalitin, |
|
| 25 |
|
| baka mahawa sa kanila at sa bitag ay masilo. |
|
| 26 |
|
| Huwag kang mangangako para sa utang ng iba, ni gumarantiya para sa kanya. |
|
| 27 |
|
| Kapag hindi ka nakabayad, hindi ba't kukunin pati ang higaan mo? |
|
| 28 |
|
| Huwag mong babaguhin ang mga hangganang itinayo, ito'y inilagay doon ng ating mga ninuno. |
|
| 29 |
|
| Alam ba ninyo kung sino ang pinaglilingkuran ng mga mahusay magtrabaho? Sila'y naglilingkod sa mga hari, hindi sa mga alipin. |
|
|
|
|