Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Huwag kang mainggit sa mga taong masama o hangarin mang makipagkaibigan sa kanila. |
| 2 |
| Sapagkat ang iniisip nila at sinasabi ay para sa kapahamakan ng iba. |
| 3 |
| Sa pamamagitan ng karunungan, maitatayo mo at mapapaunlad ang iyong tahanan. Mapupuno rin ito ng mahahalagang kayamanan. |
| 4 |
| 5 |
| Ang taong marunong ay malaki ang maitutulong upang lalong lumakas ang mga nakikipaglaban, |
| 6 |
| sapagkat kailangan nila ng mga payo sa pakikipaglaban. At higit na matitiyak ang tagumpay kung maraming nagpapayo. |
| 7 |
| Ang karunungan ay hindi maunawaan ng mangmang. Wala siyang masabi kapag mahahalagang bagay ang pinag-uusapan. |
| 8 |
| Ang taong laging nagpaplano ng masama ay kikilalaning may pakana ng kasamaan. |
| 9 |
| Anumang pakana ng hangal ay kasalanan, at kinasusuklaman ng mga tao ang sinumang nangungutya. |
| 10 |
| Kapag ikaw ay nawalan ng pag-asa sa panahon ng kahirapan, nagpapakita lang ito na ikaw ay mahina. |
| 11 |
| Huwag kang mag-atubiling iligtas ang walang kasalanan na hinatulan ng kamatayan. |
| 12 |
| Maaaring sabihin mo na wala kang nalalaman sa nangyari, pero alam ng Dios kung totoo o hindi ang iyong sinasabi, dahil binabantayan ka niya at alam niya ang nasa puso mo. Gagantimpalaan ka niya ayon sa iyong mga ginawa. |
| 13 |
| Anak, kung papaanong matamis at mabuti para sa iyo ang pulot, ganoon din naman ang karunungan. Sapagkat kung marunong ka, mapapabuti ang iyong kinabukasan at mapapasaiyo ang iyong mga hinahangad. |
| 14 |
| 15 |
| Huwag kang gagaya sa taong masama na palihim na sumasalakay sa bahay ng matuwid. |
| 16 |
| Ang taong matuwid, mabuwal man ng pitong ulit ay tiyak na makakabangon ulit. Hindi tulad ng taong masama na kapag nabuwal ay hindi na makakabangon pa. |
| 17 |
| Huwag kang matuwa kapag napapahamak ang iyong kaaway, |
| 18 |
| dahil kapag nakita ng Panginoon na natutuwa ka, hindi niya ito magugustuhan, at hindi na niya parurusahan ang iyong kaaway. |
| 19 |
| Huwag kang mabalisa o mainggit sa mga taong masama, |
| 20 |
| sapagkat wala silang mabuting kinabukasan at magiging tulad sila ng ilaw na namatay. |
| 21 |
| Anak, igalang mo ang Panginoon at ang hari. Huwag kang makisama sa mga taong sumusuway sa kanila, |
| 22 |
| sapagkat hindi mo alam kung anong kapahamakan ang biglang ibibigay ng Panginoon o ng hari sa kanila. |
| 23 |
| Narito pa ang ilang kawikaan ng marurunong na tao: Hindi dapat magtangi ng tao sa paghatol ng katarungan. |
| 24 |
| Kapag pinalaya mo ang taong may kasalanan, susumpain ka at kamumuhian ng mga tao. |
| 25 |
| Ngunit kapag pinarusahan mo ang may kasalanan, matutuwa ang mga tao at pagpapalain ka. |
| 26 |
| Ang tapat na kasagutan ay tanda ng mabuting pagkakaibigan. |
| 27 |
| Ihanda mo muna ang iyong pagkakakitaan, tulad ng iyong bukid na taniman bago ka magtatag ng sariling tahanan. |
| 28 |
| Huwag kang sasaksi sa iyong kapwa nang walang sapat na dahilan, o magsalita laban sa kanya ng kasinungalingan. |
| 29 |
| Huwag mong sasabihin, “Gaganti ako, gagawin ko sa kanya ang ginawa niya sa akin.” |
| 30 |
| Dumaan ako sa bukid ng taong tamad at mangmang. |
| 31 |
| Puno na ito ng mga damo at matitinik na halaman, at giba na ang mga bakod nito. |
| 32 |
| Nang makita ko ito, napaisip ako ng mabuti, at natutunan ko ang aral na ito: |
| 33 |
| Sa kaunting pahinga, kaunting pagtulog, at paghalukipkip mo, taong tamad, |
| 34 |
| ay biglang darating sa iyo ang kahirapan na para kang ninakawan ng armadong tulisan. |
|
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/proverbs/024.mp3
31
24