|
| 1 |
|
| Ang papuri'y di angkop sa taong mangmang, parang ulan ng yelo sa tag-araw o panahon ng anihan. |
|
| 2 |
|
| Ang sumpang di nararapat ay hindi tatalab, tulad lang ito ng ibong di dumadapo at lilipad-lipad. |
|
| 3 |
|
| Ang latigo'y para sa kabayo, ang bokado'y para sa asno, ang pamalo naman ay sa mangmang na tao. |
|
| 4 |
|
| Huwag mong papatulan ang isang mangmang at baka lumabas na higit ka pang mangmang. |
|
| 5 |
|
| Sagutin mo ang mangmang ayon sa kanyang kahangalan, upang hindi niya isipin na siya'y may katuwiran. |
|
| 6 |
|
| Ang magpadala ng balita sa mangmang ay napakadelikado, para mo na ring tinaga ang mga paa mo. |
|
| 7 |
|
| Kung ang paang pilay ay walang kabuluhan, ganoon din ang kawikaan sa bibig ng mangmang. |
|
| 8 |
|
| Ang isang papuring sa mangmang iniukol ay parang batong nakatali sa balat ng tirador. |
|
| 9 |
|
| Ang isang kawikaan sa bibig ng mangmang, ay tulad ng tinik sa kamay ng lasing. |
|
| 10 |
|
| Tulad ng isang namamana ng kahit na sino ang isang taong umupa ng mangmang o lasenggo. |
|
| 11 |
|
| Ang taong nananatili sa kanyang kahangalan ay tulad ng aso, ang sariling suka ay binabalikan nito. |
|
| 12 |
|
| Nakakita na ba kayo ng taong nag-aakalang siya ang pinakamatalino? Mas may pag-asa pa ang mangmang kaysa taong ito. |
|
| 13 |
|
| Ano ang idinadahilan ng taong batugan? “May leon sa daan, may leon sa lansangan.” |
|
| 14 |
|
| Kung paano lumalapat ang pinto sa hamba, ang batugan naman ay sa kanyang kama. |
|
| 15 |
|
| Ang kamay ng tamad ay nadidikit sa pinggan, ni hindi mailapit sa bibig dahil sa katamaran. |
|
| 16 |
|
| Ang palagay ng tamad, siya ay mas marunong kaysa pitong taong wasto kung tumugon. |
|
| 17 |
|
| Ang nakikisali sa gulo ng may gulo ay tulad ng taong dumadakma sa tainga ng aso. |
|
| 18 |
|
| Ang taong nandaraya saka sasabihing nagbibiro lang ay tulad ng baliw na naglalaro ng sandatang nakamamatay. |
|
| 19 |
|
|
|
| 20 |
|
| Namamatay ang apoy kung ubos na ang kahoy; nahihinto ang away kapag walang nanunulsol. |
|
| 21 |
|
| Kung ang baga'y nagdidikit dahil sa pag-ihip, at nagliliyab ang apoy kung maraming gatong, patuloy ang labu-labo kung maraming mapanggulo. |
|
| 22 |
|
| Ang tsismis ay tulad ng masarap na pagkain; masarap pakinggan, masarap namnamin. |
|
| 23 |
|
| Ang matamis ngunit pakunwaring salita ay parang pintura ng mumurahing banga. |
|
| 24 |
|
| Ang tunay na damdamin ng mapagkunwari ay maitatago sa salitang mainam. |
|
| 25 |
|
| Matamis pakinggan ngunit huwag paniwalaan sapagkat iyon ay bunga ng kanyang pagkasuklam. |
|
| 26 |
|
| Maaaring ang galit niya'y maitago sa magandang paraan ngunit nalalantad din sa mata ng lahat. |
|
| 27 |
|
| Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon. |
|
| 28 |
|
| Ang taong sinungaling ay galit sa kapwa. Ang madayang salita ay nagpapahamak sa iba. |
|
|
|
|