|
| 1 |
|
| Tumatakbo ang masama kahit walang humahabol, ngunit panatag ang matuwid, ang katulad ay leon. |
|
| 2 |
|
| Kung ang bayan ay magkasala, maraming gustong mamahala, ngunit kung matalino ang namumuno, malakas at matatag ang bansa. |
|
| 3 |
|
| Ang pinunong sa mahihirap ay sumisiil ay tulad ng ulang sumisira sa pananim. |
|
| 4 |
|
| Ang masama ay pinupuri ng masuwayin sa batas, ngunit kalaban nila ang mga taong sa tuntunin ay tumutupad. |
|
| 5 |
|
| Hindi alam ng masama kung ano ang katarungan, ngunit ang mga sumasamba kay Yahweh, lubos itong maiintindihan. |
|
| 6 |
|
| Mabuti na ang mahirap na namumuhay sa katuwiran, kaysa taong mayaman ngunit makasalanan. |
|
| 7 |
|
| Ang anak na matalino ay sumusunod sa aral, ngunit ang nakikipagbarkada sa masasama ay kahihiyan ng magulang. |
|
| 8 |
|
| Ang kayamanang natamo sa pamamagitan ng patubuan ay mauuwi sa maawain at matulungin sa nangangailangan. |
|
| 9 |
|
| Ang panalangin ng taong hindi sumusunod sa kautusan ay kasuklam-suklam. |
|
| 10 |
|
| Ang tumutukso sa mabuti upang magpakasama ay mabubulid sa sariling pakana, ngunit ang taong may tapat na pamumuhay ay magmamana ng maraming kabutihan. |
|
| 11 |
|
| Ang palagay ng mayaman ay marunong siya, ngunit ang mahirap na may unawa ay mabuti pa sa kanya. |
|
| 12 |
|
| Kapag matuwid ang nasa kapangyarihan, ang lahat ay nagdiriwang, ngunit kung ang pumalit ay masama, lahat ay nasa taguan. |
|
| 13 |
|
| Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti, ngunit kahahabagan ng Diyos ang nagbabalik-loob at nagsisisi. |
|
| 14 |
|
| Mapalad ang taong sumusunod sa ating Diyos, ngunit ang matigas ang ulo ay mapapahamak. |
|
| 15 |
|
| Ang masamang hari ay tila leong mabagsik at nakakatakot na parang osong mabangis. |
|
| 16 |
|
| Ang haring walang pang-unawa ay tiyak na malupit; ang pamamahala ng tapat na hari ay lalawig. |
|
| 17 |
|
| Ang pumatay sa kapwa ay humuhukay ng sariling libingan, at ang taong ito'y di dapat tulungan. |
|
| 18 |
|
| Ang taong tapat ay ligtas sa kapahamakan, ngunit ang masama ay biglang mabubuwal. |
|
| 19 |
|
| Sagana sa pagkain ang magsasakang masipag, ngunit naghihirap ang taong tamad. |
|
| 20 |
|
| Ang taong tapat ay mananagana sa pagpapala, ngunit paparusahan ang yumaman sa pandaraya. |
|
| 21 |
|
| Ang paghatol nang may kinikilingan ay hindi mainam, ngunit dahil sa suhol may hukom na gumagawa ng ganitong kasamaan. |
|
| 22 |
|
| Ang kuripot ay nagmamadaling yumaman ni hindi iniisip na kahirapan ay daratal. |
|
| 23 |
|
| Ang tapat sa pagsaway sa bandang huli'y pasasalamatan kaysa sa taong panay ang pagpuri kahit hindi nararapat. |
|
| 24 |
|
| Ang anak na ninakawan ang kanyang magulang at sasabihing ito'y hindi kasalanan, ay masahol pa sa karaniwang magnanakaw. |
|
| 25 |
|
| Ang taong gahaman ay lumilikha ng kaguluhan, ngunit ang nagtitiwala kay Yahweh, uunlad ang kabuhayan. |
|
| 26 |
|
| Ang nagtitiwala sa sariling kakayahan ay mangmang, ngunit ang sumusunod sa magandang payo ay malayo sa kapahamakan. |
|
| 27 |
|
| Ang tumutulong sa mahirap ay di magkukulang, ngunit susumpain ang nagbubulag-bulagan. |
|
| 28 |
|
| Kapag masama ang pinuno, ang lahat ay nagkukubli, ngunit kapag sila ay wala na, ang mabubuti'y dumadami. |
|
|
|
|