|
| 1 |
|
| Anak, huwag mong kalilimutan ang mga itinuturo ko sa iyo. Ingatan mo sa iyong puso ang mga iniuutos ko, |
|
| 2 |
|
| sapagkat ito ang magpapahaba at magpapaunlad ng iyong buhay. |
|
| 3 |
|
| Manatili kang mapagmahal at matapat; alalahanin mo itong lagi at itanim sa iyong isipan. |
|
| 4 |
|
| Kapag ginawa mo ito, malulugod ang Dios pati na ang mga tao. |
|
| 5 |
|
| Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. |
|
| 6 |
|
| Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas. |
|
| 7 |
|
| Huwag mong isipin na napakarunong mo na. Matakot ka sa Panginoon, at huwag gumawa ng masama. |
|
| 8 |
|
| Para iyon sa ikabubuti at ikalalakas ng iyong katawan. |
|
| 9 |
|
| Parangalan mo ang Panginoon sa pamamagitan ng paghahandog sa kanya ng mga unang bunga ng iyong ani. |
|
| 10 |
|
| Kapag ginawa mo ito, mapupuno ng ani ang iyong mga bodega at aapaw ang inumin sa iyong mga sisidlan. |
|
| 11 |
|
| Anak, huwag mong mamasamain kapag itinatama ka ng Panginoon upang ituwid ang iyong pag-uugali. |
|
| 12 |
|
| Sapagkat itinutuwid ng Panginoon ang ugali ng kanyang mga minamahal, katulad ng ginagawa ng isang ama sa kanyang anak na kinalulugdan. |
|
| 13 |
|
| Mapalad ang taong may karunungan at pang-unawa. |
|
| 14 |
|
| Higit pa ito sa pilak at ginto, |
|
| 15 |
|
| at sa ano pa mang mga mamahaling bato. Walang anumang bagay ang maaaring ipantay dito. |
|
| 16 |
|
| Magpapahaba ito ng iyong buhay, magpapaunlad ng iyong kabuhayan at magbibigay sa iyo ng karangalan. |
|
| 17 |
|
| Ang karunungan ay magpapabuti ng iyong kalagayan. |
|
| 18 |
|
| Mapalad ang taong may karunungan, dahil magbibigay ito ng mabuti at mahabang buhay. |
|
| 19 |
|
| Sa pamamagitan ng karunungan, nilikha ng Panginoon ang lupa at ang langit, at bumukas ang mga bukal at mula sa mga ulap ay bumuhos ang ulan. |
|
| 20 |
|
|
|
| 21 |
|
| Anak, ingatan mo ang iyong karunungan at kaalaman sa pagpapasya ng tama. Huwag mong hayaang mawala ito sa iyo. |
|
| 22 |
|
| Sapagkat ito ang magbibigay sa iyo ng mahaba at magandang buhay. |
|
| 23 |
|
| Mabubuhay kang ligtas sa anumang kapahamakan. |
|
| 24 |
|
| Makakatulog ka nang mahimbing at walang kinakatakutan. |
|
| 25 |
|
| Hindi ka dapat matakot kung biglang dumating ang mga pangyayaring nakakatakot o kung lilipulin na ang masasama, |
|
| 26 |
|
| dahil makakaasa ka na babantayan ka ng Panginoon at ilalayo sa kapahamakan. |
|
| 27 |
|
| Hanggaʼt makakaya mo, tulungan mo ang mga dapat tulungan. |
|
| 28 |
|
| Huwag mo nang ipagpabukas pa, kung kaya mo naman silang tulungan ngayon. |
|
| 29 |
|
| Huwag mong pagplanuhan ng masama ang kapitbahay mo na nagtitiwala sa iyo. |
|
| 30 |
|
| Huwag kang makipagtalo sa kapwa mo nang walang sapat na dahilan, lalo na kung wala naman siyang ginawang masama sa iyo. |
|
| 31 |
|
| Huwag kang mainggit sa taong malupit o gayahin ang kanyang mga ginagawa. |
|
| 32 |
|
| Sapagkat nasusuklam ang Panginoon sa mga taong baluktot ang pag-iisip, ngunit nagtitiwala siya sa mga namumuhay nang matuwid. |
|
| 33 |
|
| Isinusumpa ng Panginoon ang sambahayan ng masasama, ngunit pinagpapala niya ang sambahayan ng mga matuwid. |
|
| 34 |
|
| Hinahamak niya ang mga nanghahamak ng kapwa, ngunit binibiyayaan niya ang mga mapagpakumbaba. |
|
| 35 |
|
| Ang mga marunong ay pararangalan, ngunit ang mga hangal ay ilalagay sa kahihiyan. |
|
|
|
|