|
| 1 |
|
| Dinggin ninyo, mga anak ko, ang turo ng ama, at makinig kayo upang matuto ng kaunawaan: |
|
| 2 |
|
| Sapagkat bibigyan ko kayo ng mabuting aral; huwag ninyong bayaan ang aking kautusan. |
|
| 3 |
|
| Sapagkat akoy anak sa aking ama, malumanay at bugtong sa paningin ng aking ina. |
|
| 4 |
|
| At tinuruan niya ako, at nagsabi sa akin: Pigilan ng iyong puso ang aking mga salita; ingatan mo ang aking mga utos, at mabuhay ka: |
|
| 5 |
|
| Magtamo ka ng karunungan, magtamo ka ng kaunawaan; huwag mong kalimutan, ni humiwalay man sa mga salita ng aking bibig: |
|
| 6 |
|
| Huwag mo siyang pabayaan at iingatan ka niya; ibigin mo siya at iingatan ka niya. |
|
| 7 |
|
| Karunungan ay pinaka pangulong bagay; kayat kunin mo ang karunungan: Oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa. |
|
| 8 |
|
| Iyong ibunyi siya, at kaniyang itataas ka: kaniyang dadalhin ka sa karangalan, pagka iyong niyakap siya. |
|
| 9 |
|
| Siyay magbibigay sa iyong ulo ng pugong na biyaya: isang putong ng kagandahan ay kaniyang ibibigay sa iyo. |
|
| 10 |
|
| Dinggin mo, Oh anak ko, at iyong tanggapin ang aking mga sinasabi; at ang mga taon ng iyong buhay ay magiging marami. |
|
| 11 |
|
| Aking itinuro ka sa daan ng karunungan; aking pinatnubayan ka sa landas ng katuwiran. |
|
| 12 |
|
| Pagka ikaw ay yumayaon hindi magigipit ang iyong mga hakbang; at kung ikaw ay tumatakbo, hindi ka matitisod. |
|
| 13 |
|
| Hawakan mong mahigpit ang turo; huwag mong bitawan: iyong ingatan; sapagkat siyay iyong buhay. |
|
| 14 |
|
| Huwag kang pumasok sa landas ng masama, at huwag kang lumakad ng lakad ng mga masasamang tao. |
|
| 15 |
|
| Ilagan mo, huwag mong daanan; likuan mo, at magpatuloy ka. |
|
| 16 |
|
| Sapagkat hindi sila nangatutulog, malibang silay nakagawa ng kasamaan; at ang kanilang tulog ay napapawi, malibang silay makapagpabuwal. |
|
| 17 |
|
| Sapagkat silay nagsisikain ng tinapay ng kasamaan, at nagsisiinom ng alak ng karahasan. |
|
| 18 |
|
| Ngunit ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag, na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw. |
|
| 19 |
|
| Ang lakad ng masama ay parang kadiliman: Hindi nila nalalaman kung ano ang kanilang kinatitisuran. |
|
| 20 |
|
| Anak ko, makinig ka sa aking mga salita; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking mga sabi. |
|
| 21 |
|
| Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata; Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso. |
|
| 22 |
|
| Sapagkat buhay sa nangakakasumpong, at kagalingan sa buo nilang katawan. |
|
| 23 |
|
| Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap; sapagkat dinadaluyan ng buhay, |
|
| 24 |
|
| Ihiwalay mo sa iyo ang masamang bibig, at ang mga suwail na labi ay ilayo mo sa iyo. |
|
| 25 |
|
| Tuminging matuwid ang iyong mga mata, at ang iyong mga talukap-mata ay tuminging matuwid sa harap mo. |
|
| 26 |
|
| Papanatagin mo ang landas ng iyong mga paa, at mangatatag ang lahat ng iyong lakad. |
|
| 27 |
|
| Huwag kang lumiko sa kanan o sa kaliwa man: ihiwalay mo ang iyong paa sa kasamaan. |
|
|
|
|