|
| 1 |
|
| Anak, pakinggan mong mabuti ang mga sasabihin ko na may karunungan, |
|
| 2 |
|
| upang malaman mo ang pagpapasya ng tama at matuto ka ring magsalita nang may karunungan. |
|
| 3 |
|
| Ang salita ng masamang babae ay kasintamis ng pulot at banayad tulad ng langis. |
|
| 4 |
|
| Ngunit pagkatapos ay pait at sakit ang iyong makakamit. |
|
| 5 |
|
| Kung susunod ka sa kanya, dadalhin ka niya sa kapahamakan, sapagkat ang nilalakaran niya ay patungo sa kamatayan. |
|
| 6 |
|
| Hindi niya pinapansin ang daan patungo sa buhay. Ang dinadaanan niyaʼy liku-liko at hindi niya ito nalalaman. |
|
| 7 |
|
| Kaya mga anak, pakinggan ninyo ako at sundin. |
|
| 8 |
|
| Lumayo kayo sa babaeng masama ni huwag lumapit sa kanyang bahay. |
|
| 9 |
|
| Dahil baka masira ang inyong dangal at mapunta sa iba, at mamatay kayo sa kamay ng mga taong walang awa. |
|
| 10 |
|
| At ang lahat ng kayamanan ninyo at ang inyong mga pinagpaguran ay mapupunta sa iba, sa mga taong hindi ninyo kilala. |
|
| 11 |
|
| Saka kayo mananangis kapag malapit na kayong mamatay, kapag butoʼt balat na lamang at wala nang lakas. |
|
| 12 |
|
| Saka ninyo sasabihin, “Sayang hindi ko kasi pinansin ang mga pagtutuwid sa akin; nagmatigas ako at sinunod ang gusto ko. |
|
| 13 |
|
| Hindi ako nakinig sa aking mga guro. |
|
| 14 |
|
| Kaya ngayon, narito ako sa gitna ng kapahamakan at kahihiyan.” |
|
| 15 |
|
| Dapat sa asawa mo lang ikaw sumiping. Kung baga sa tubig, doon ka lang sa sarili mong balon kumuha ng iyong iinumin. |
|
| 16 |
|
| Dahil baka magtaksil din sa iyo ang iyong asawa. |
|
| 17 |
|
| Dapat ang mag-asawa ay para lamang sa isaʼt isa at huwag makihati sa iba. |
|
| 18 |
|
| Maging maligaya ka sa iyong asawa, na napangasawa mo noong iyong kabataan. |
|
| 19 |
|
| Maganda siya at kaakit-akit gaya ng usa. Sana ay lagi kang lumigaya sa kanyang dibdib at maakit sa kanyang pag-ibig. |
|
| 20 |
|
| Anak, huwag kang paaakit sa malaswang babae o hipuin man ang kanyang dibdib. |
|
| 21 |
|
| Sapagkat nakikita ng Panginoon ang lahat ng iyong ginagawa; saan ka man naroroon tinitingnan ka niya. |
|
| 22 |
|
| Ang masamang tao ay bihag ng kanyang kasamaan, para itong bitag na huhuli sa kanya. |
|
| 23 |
|
| Maliligaw siya dahil sa kanyang kamangmangan, at mamamatay dahil ayaw niyang itinutuwid. |
|
|
|
|