|
| 1 |
|
| Anak ko, pakinggan mo ang aking karunungan; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking unawa: |
|
| 2 |
|
| Upang makapagingat ka ng kabaitan, at upang ang iyong mga labi ay makapagingat ng kaalaman. |
|
| 3 |
|
| Sapagka't ang mga labi ng masamang babae ay tumutulo ng pulot, at ang kaniyang bibig ay madulas kay sa langis: |
|
| 4 |
|
| Nguni't ang kaniyang huling wakas ay mapait kay sa ahenho, matalas na parang tabak na may talim sa magkabila. |
|
| 5 |
|
| Ang kaniyang mga paa ay nagsisibaba sa kamatayan; ang kaniyang mga hakbang ay nagsisihawak sa Sheol; |
|
| 6 |
|
| Na anopa't hindi niya nasusumpungan ang kapanatagan ng landas ng buhay; ang kaniyang mga lakad ay hindi panatag, at hindi niya nalalaman. |
|
| 7 |
|
| Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako, at huwag kayong magsihiwalay sa mga salita ng aking bibig. |
|
| 8 |
|
| Ilayo mo ang iyong lakad sa kaniya, at huwag kang lumapit sa pintuan ng kaniyang bahay: |
|
| 9 |
|
| Baka mo ibigay ang iyong karangalan sa iba, at ang iyong mga taon sa mga mabagsik: |
|
| 10 |
|
| Baka ang mga di kilalang babae ay mapuno ng iyong kalakasan; at ang iyong mga pinagpagalan ay mapasa bahay ng kaapid; |
|
| 11 |
|
| At ikaw ay manangis sa iyong huling wakas, pagka ang iyong laman at ang iyong katawan ay natunaw, |
|
| 12 |
|
| At iyong sabihin, bakit ko kinayamutan ang turo, at hinamak ng aking puso ang saway: |
|
| 13 |
|
| Ni hindi ko man sinunod ang tinig ng aking mga tagapagturo, O ikiling ko man ang aking pakinig sa kanila na mga nagturo sa akin! |
|
| 14 |
|
| Ako'y malapit sa lahat ng kasamaan sa gitna ng kapisanan at ng kapulungan. |
|
| 15 |
|
| Uminom ka ng tubig sa iyong sariling tipunan ng tubig, at sa nagsisiagos na tubig sa iyong sariling balon. |
|
| 16 |
|
| Mananabog ba ang iyong mga bukal sa kaluwangan, at mga agos ng tubig sa mga lansangan? |
|
| 17 |
|
| Maging iyong magisa, at huwag sa di kilala na kasama mo. |
|
| 18 |
|
| Pagpalain ang iyong bukal; at magalak ka sa asawa ng iyong kabataan. |
|
| 19 |
|
| Gaya ng maibiging usa at ng masayang usang babae, bigyan kang katiwasayan ng kaniyang dibdib sa buong panahon; at laging malugod ka sa kaniyang pagibig. |
|
| 20 |
|
| Sapagka't bakit ka malulugod, anak ko, sa ibang babae, at yayakap sa sinapupunan ng di kilala? |
|
| 21 |
|
| Sapagka't ang mga lakad ng tao ay nasa harap ng mga mata ng Panginoon, at kaniyang pinapatag ang lahat niyang mga landas. |
|
| 22 |
|
| Ang sarili niyang mga kasamaan ay kukuha sa masama. At siya'y matatalian ng mga panali ng kaniyang kasalanan. |
|
| 23 |
|
| Siya'y mamamatay sa kakulangan ng turo; at sa kadahilanan ng kaniyang pagkaulol ay maliligaw siya. |
|
|
|
|