|
| 1 |
|
| Hindi ba umiiyak ang karunungan, at inilalabas ng unawa ang kaniyang tinig? |
|
| 2 |
|
| Sa taluktok ng mga mataas na dako sa tabi ng daan, sa mga salubungang landas, siya'y tumatayo; |
|
| 3 |
|
| Sa tabi ng mga pintuang-bayan sa pasukan ng bayan, sa pasukan sa mga pintuan siya'y humihiyaw ng malakas: |
|
| 4 |
|
| Sa inyo, Oh mga lalake, ako'y tumatawag; at ang aking tinig ay sa mga anak ng mga tao. |
|
| 5 |
|
| Oh kayong mga musmos, magsiunawa kayo ng katalinuhan; at, kayong mga mangmang, makaunawa kayo sa puso. |
|
| 6 |
|
| Kayo'y mangakinig, sapagka't magsasalita ako ng mga marilag na bagay; at ang buka ng aking mga labi ay magiging mga matuwid na bagay, |
|
| 7 |
|
| Sapagka't ang aking bibig ay sasambit ng katotohanan; at kasamaan ay karumaldumal sa aking mga labi. |
|
| 8 |
|
| Lahat ng mga salita ng aking bibig ay sa katuwiran; walang bagay na liko o suwail sa kanila. |
|
| 9 |
|
| Pawang malilinaw sa kaniya na nakakaunawa, at matuwid sa kanila na nangakakasumpong ng kaalaman. |
|
| 10 |
|
| Tanggapin mo ang aking turo at huwag pilak; at ang kaalaman na higit kay sa dalisay na ginto. |
|
| 11 |
|
| Sapagka't ang karunungan ay maigi kay sa mga rubi; at lahat ng mga bagay na mananasa ay hindi maitutulad sa kaniya. |
|
| 12 |
|
| Akong karunungan ay tumatahan sa kabaitan, at aking nasusumpungan ang kaalaman at gunita. |
|
| 13 |
|
| Ang pagkatakot sa Panginoon ay ipagtanim ang kasamaan; Kapalaluan, at kahambugan at masamang lakad, at ang masamang bibig ay aking ipinagtatanim. |
|
| 14 |
|
| Payo ay akin at magaling na kaalaman: ako'y kaunawaan; ako'y may kapangyarihan, |
|
| 15 |
|
| Sa pamamagitan ko ay naghahari ang mga hari, at nagpapasiya ng kaganapan ang mga pangulo. |
|
| 16 |
|
| Sa pamamagitan ko ay nagpupuno ang mga pangulo, at ang mga mahal na tao, sa makatuwid baga'y lahat ng mga hukom sa lupa. |
|
| 17 |
|
| Aking iniibig sila na nagsisiibig sa akin; at yaong nagsisihanap na masikap sa akin ay masusumpungan ako. |
|
| 18 |
|
| Mga kayamanan at karangalan ay nasa akin; Oo, lumalaging mga kayamanan at katuwiran. |
|
| 19 |
|
| Ang bunga ko ay maigi kay sa ginto, oo, kay sa dalisay na ginto; at ang pakinabang sa akin kay sa piling pilak. |
|
| 20 |
|
| Ako'y lumalakad sa daan ng katuwiran, sa gitna ng mga landas ng kahatulan: |
|
| 21 |
|
| Upang aking papagmanahin ng pag-aari yaong nagsisiibig sa akin, at upang aking mapuno ang kanilang ingatang-yaman. |
|
| 22 |
|
| Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una. |
|
| 23 |
|
| Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, bago nalikha ang lupa. |
|
| 24 |
|
| Ako'y nailabas ng wala pang mga kalaliman; nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig. |
|
| 25 |
|
| Bago ang mga bundok ay nalagay, bago ang mga burol ay ako'y nailabas: |
|
| 26 |
|
| Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man, ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan. |
|
| 27 |
|
| Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman: |
|
| 28 |
|
| Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas: nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman: |
|
| 29 |
|
| Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan, upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos: nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa: |
|
| 30 |
|
| Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa: at ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw, na nagagalak na lagi sa harap niya; |
|
| 31 |
|
| Na nagagalak sa kaniyang tinatahanang lupa; at ang aking kaaliwan ay sa mga anak ng mga tao. |
|
| 32 |
|
| Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako: sapagka't mapalad ang nangagiingat ng aking mga daan. |
|
| 33 |
|
| Mangakinig kayo ng turo, at kayo'y magpakapantas, at huwag ninyong tanggihan. |
|
| 34 |
|
| Mapalad ang tao na nakikinig sa akin, na nagbabantay araw-araw sa aking mga pintuang-bayan, na naghihintay sa mga haligi ng aking mga pintuan. |
|
| 35 |
|
| Sapagka't sinomang nakakasumpong sa akin, ay nakakasumpong ng buhay. At magtatamo ng lingap ng Panginoon. |
|
| 36 |
|
| Nguni't siyang nagkakasala laban sa akin ay nagliligaw ng kaniyang sariling kaluluwa; silang lahat na nangagtatanim sa akin ay nagsisiibig ng kamatayan. |
|
|
|
|