|
| 1 |
|
| Gumawa na ng tahanan itong karunungan, na itinayo niya sa pitong patibayan. |
|
| 2 |
|
| Nagpatay siya ng hayop, nagtimpla ng inumin, ang mesa ay inihanda, punung-puno ng pagkain. |
|
| 3 |
|
| Katulong ay isinugo sa gitna nitong bayan, upang lahat ay abutin ng ganitong panawagan: |
|
| 4 |
|
| “Ang kulang sa kaalaman, dito ngayon ay lumapit.” Sa mga mangmang ay ganito ang sinambit: |
|
| 5 |
|
| “Halikayo't inyong kainin ang pagkain ko, at tunggain ang inuming inilaan ko sa inyo. |
|
| 6 |
|
| Lisanin ang kamangmangan upang kayo ay mabuhay, at ang landas ng unawa ang tahakin at daanan.” |
|
| 7 |
|
| Ang pumupuna sa mapangutya ay nag-aani ng pagdusta, ang nagtutuwid sa masama'y nagkakamit ng alipusta. |
|
| 8 |
|
| Punahin mo ang mapangutya at magagalit pa sa iyo, ngunit payuhan mo ang matalino at iibigin ka nito. |
|
| 9 |
|
| Matalino'y turuan mo't lalo siyang tatalino, ang matuwid ay aralan, lalago ang dunong nito. |
|
| 10 |
|
| Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan, ang pagkilala sa Banal na Diyos ay may dulot na kaalaman. |
|
| 11 |
|
| Sa pamamagitan ko, hahaba ang iyong mga araw, dahil sa akin, lalawig ang iyong buhay. |
|
| 12 |
|
| Kung mayroon kang karunungan, mayroon kang pakinabang, ngunit ika'y magdurusa kapag siya'y tinanggihan. |
|
| 13 |
|
| Ang nakakatulad nitong taong mangmang, babaing magaslaw at walang kahihiyan. |
|
| 14 |
|
| Lagi siyang naroon sa pinto ng kanyang bahay, o sa lantad na bahagi ng lansangan nitong bayan. |
|
| 15 |
|
| Bawat taong nagdaraan na kanyang masulyapan, ay pilit na tatawagin at kanyang aanyayahan, |
|
| 16 |
|
| “Lapit dito, kayong lahat na kulang sa kaalaman!” Kanya namang sinasabi sa mga mangmang, |
|
| 17 |
|
| “Tubig na ninakaw ay ubod ng tamis, tinapay na nakaw, masarap na labis.” |
|
| 18 |
|
| Hindi alam ng biktimang wakas niyo'y kamatayan, at lahat ng pumasok doo'y naroon na sa libingan. |
|
|
|
|