Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Ipuhunan mo ang pera mo sa negosyo at sa kalaunan ay kikita ka. |
| 2 |
| Ilagay mo ang pera mo sa ibaʼt ibang negosyo, dahil hindi mo alam kung anong kalamidad ang darating dito sa mundo. |
| 3 |
| Kapag makapal na ang ulap, magbubuhos ito ng ulan sa mundo. At kung saan natumba ang puno, doon iyon mananatili. |
| 4 |
| Kung palagi ka lang maghihintay ng magandang panahon, hindi ka makakapagtanim at wala kang aanihin. |
| 5 |
| Kung paanong hindi mo nalalaman ang direksyon ng hangin o kung paano lumalaki ang sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina, ganoon din ang ginagawa ng Dios na gumagawa ng lahat ng bagay, hindi mo rin ito maiintindihan. |
| 6 |
| Maghasik ka ng binhi sa umaga hanggang gabi, dahil hindi mo alam kung alin sa itinanim mo ang tutubo, o kung lahat ito ay tutubo. |
| 7 |
| Masarap mabuhay, kaya mas mabuting mabuhay. |
| 8 |
| Kaya sa buong buhay mo ay maging masaya ka, gaano man ito kahaba. Ngunit, alalahanin mong darating ang kamatayan at magtatagal iyon. Lahat ng mangyayari ay walang kabuluhan. |
| 9 |
| Kayong mga kabataan, magsaya kayo habang kayoʼy bata pa. Gawin ninyo ang gusto ninyong gawin, pero alalahanin ninyong hahatulan kayo ng Dios ayon sa inyong mga ginawa. |
| 10 |
| Huwag kayong mag-alala o mabalisa man dahil ang panahon ng kabataan ay lumilipas lang. |
|
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/ecclesiastes/011.mp3
12
11