Ginawa niya ang bawat bagay na maganda sa kapanahunan niyaon: inilagay rin niya ang sanglibutan sa kanilang puso, na anopat hindi matalos ng tao ang gawa na ginawa ng Dios mula sa pasimula hanggang sa wakas.
Nalalaman ko, na anomang ginagawa ng Dios, magiging magpakailan pa man: walang bagay na maidadagdag, o anomang bagay na maaalis: at ginawa ng Dios, upang ang tao ay matakot sa harap niya.
Sapagkat ang nangyayari sa mga anak ng mga tao ay nangyayari sa mga hayop: sa makatuwid bagay isang bagay ang nangyari sa kanila: kung paanong namamatay ang hayop, gayon namamatay ang tao; oo, silang lahat ay may isang hininga; at ang tao ay wala ng karangalang higit sa hayop: sapagkat lahat ay walang kabuluhan.
Kayat aking nakita, na walang bagay na maigi, kundi ang tao ay magalak sa kaniyang mga gawa; sapagkat siyang kaniyang bahagi: sapagkat sinong magbabalik sa kaniya upang makita ang mangyayari pagkamatay niya?