Ang Biblia 1905 TLAB
|
| 1 |
| Ang hula tungkol sa Moab. Sapagkat sa isang gabi ang Ar ng Moab ay nagiba, at nawalan ng kabuluhan; sapagkat sa isang gabi ay nagiba ang Kir ng Moab, at nawalan ng kabuluhan. |
| 2 |
| Siyay umahon sa Bayith, at sa Dibon, sa mga mataas na dako, upang umiyak: ang Moab ay umaangal sa Nebo, at sa Medeba: lahat nilang ulo ay kalbo, bawat balbas ay gupit. |
| 3 |
| Sa kanilang mga lansangan ay nangagbibigkis sila ng kayong magaspang: sa kanilang mga bubungan, at sa kanilang mga luwal na dako, umaangal ang bawat isa, na umiiyak ng di kawasa. |
| 4 |
| At ang Hesbon ay humihiyaw, at ang Eleale; ang kanilang tinig ay naririnig hanggang sa Jahas: kayat ang mga lalaking nangasasakbatan sa Moab ay nagsihiyaw ng malakas; ang kaniyang kalooban ay nagugulumihanan. |
| 5 |
| Ang aking puso ay dumadaing dahil sa Moab, ang kaniyang mga mahal na tao ay nagsisitakas sa Zoar, sa Eglat-selisiyah: sapagkat sa ahunan sa Luhith ay nagsisiahon silang may iyakan: sapagkat sa daan ng Horonaim ay nagsisihagulhol sila sa kapahamakan. |
| 6 |
| Sapagkat ang tubig ng Nimrim ay natuyo, sapagkat ang damo ay natuyo, ang sariwang damo ay nalalanta, walang sariwang bagay. |
| 7 |
| Kayat ang kasaganaan na kanilang tinamo, at ang kanilang tinipon, ay kanilang dadalhin sa mga batis ng mga kahoy na sauce. |
| 8 |
| Sapagkat ang daing ay lumilipana sa mga hangganan ng Moab; ang angal niya ay hanggang sa Eglaim, at ang angal niya ay hanggang sa Beer-elim. |
| 9 |
| Sapagkat ang tubig ng Dimon ay nahaluan ng dugo: sapagkat magpapasapit pa ako sa Dimon ng isang leon na nakatanan sa Moab, at sa nalabi sa lupain. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog/isaiah/015.mp3
66
15