Ang hula tungkol sa ilang na nasa baybayin ng dagat. Kung paanong umiikot ang mga ipoipo sa Timugan gayon dumarating ang hangin na mula sa ilang mula sa kakilakilabot na lupain.
Isang malubhang pangitain ay naipahayag sa akin; ang manggagawa ng karayaan ay gumagawang may karayaan, at ang mananamsam ay nananamsam. Umahon ka, Oh Elam; kumubkob ka, Oh Media; lahat ng buntong-hininga niyay aking pinatigil.
Kayat ang aking mga balakang ay puspos ng kahirapan; mga hirap ay dinamdam ko, gaya ng mga hirap ng babae sa pagdaramdam; akoy naghihirap na anopat hindi ako makarinig; akoy nanglulupaypay na anopat hindi ako makakita.
At pagka siyay nakakita ng pulutong, ng mga nangangabayong dalawat dalawa, ng mga asno, ng pulutong ng mga kamelyo siyay masikap na makikinig na may pagiingat.
At, narito, ditoy dumarating ang isang pulutong na lalake, mga nangangabayong dalawat dalawa. At siyay sumagot at nagsabi, Babilonia ay nabagsak, nabagsak, at lahat na larawang inanyuan na kaniyang mga dios ay nangabagsak sa lupa.
Sapagkat ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin, Sa loob ng isang taon, ayon sa mga taon ng magpapaupa, ang lahat ng kaluwalhatian ng Cedar ay mapapawi:
At ang malabi sa bilang sa mga mangbubusog, sa mga makapangyarihang lalake na mga anak ni Cedar, ay mangiilan: sapagkat ang Panginoon, ang Dios ng Israel, siyang nagsalita.