Sa araw na iyon, gagamitin ni Yahweh ang kanyang malupit at matalim na espada; paparusahan niya ang Leviatan, ang tumatakas na dragon, at papatayin niya ang halimaw na nakatira sa dagat.
Patatawarin lang sila kung wawasakin nila ang mga altar at itatapon ang larawan ng diyus-diyosang si Ashera, at dudurugin ang altar na sunugan ng insenso.
Nabali at natuyo ang mga sanga ng punongkahoy, pupulutin naman ng mga babae at gagawing panggatong. Sapagkat ang bayang ito'y walang pagkaunawa, kaya hindi sila kahahabagan ng Diyos na kanilang Manlilikha.
Pagtunog ng trumpeta, tatawagin pabalik sa Jerusalem, ang mga Israelitang nangalat sa Asiria at Egipto upang sambahin nila si Yahweh sa banal na bundok sa Jerusalem.