“Sino itong dumarating na buhat sa Edom, buhat sa Bozra na ang maringal na kasuotan ay kulay pula? Sino ang magiting na lalaking ito na kung lumakad ay puno ng kasiglahan? Ako ang nagbabadya ng tagumpay; ang kalakasan ko'y sapat na upang kayo ay iligtas.”
Ang sagot ni Yahweh: “Pinisa ko ang mga bansa na parang ubas, wala man lang tumulong sa akin; tinapakan ko sila sa tindi ng aking galit, kaya natigmak sa dugo ang aking damit.
Aking sasaysayin ang pag-ibig ni Yahweh na hindi nagmamaliw; pupurihin ko siya sa lahat ng bagay na kanyang ginawa para sa atin. Tunay na kanyang pinagpala ang bayang Israel, dahil sa kahabagan niya at wagas na pag-ibig.
sa kapahamakan at kahirapan. Hindi isang anghel, kung hindi si Yahweh mismo ang nagligtas sa kanila; iniligtas sila dahil sa pag-ibig niya't habag, na sa simula pa ay kanya nang ipinakita.
Pagkatapos, naalala nila ang panahon ni Moises, ang lingkod ni Yahweh. Ang tanong nila, “Nasaan na si Yahweh, na nagligtas sa mga pinuno ng kanyang bayan nang sila'y tumawid sa Dagat ng mga Tambo? Nasaan na si Yahweh, na nagbigay ng kanyang banal na Espiritu kay Moises?
Kung paanong ang kawan ay dinadala sa sariwang pastulan, ang Espiritu ni Yahweh ang nagbigay ng kapahingahan sa kanyang bayan, at sila'y ginabayan upang siya ay maparangalan.
Magmula sa langit tunghayan mo kami, Yahweh, at iyong pagmasdan mula sa iyong dakila at banal na trono. Saan ba naroon ang malasakit mo at kapangyarihan? Pag-ibig mo at kahabagan, huwag kaming pagkaitan.
Kung walang nagawa sa amin si Jacob at Abraham, ikaw lamang, Yahweh, ang aming pag-asa at Amang aasahan; tanging ikaw lamang ang nagliligtas ng aming buhay.
Bakit ba, O Yahweh, kami'y tinulutang maligaw ng landas, at ang puso nami'y iyong hinayaang maging matigas? Balikan mo kami at iyong kaawaan, mga lingkod mo na tanging iyo lamang.