Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag kayong matuto ng lakad ng mga bansa, at huwag kayong manganglupaypay sa mga tanda ng langit; sapagkat ang mga bansa ay nanganglulupaypay sa mga yaon.
Sapagkat ang mga kaugalian ng mga bayan ay walang kabuluhan: sapagkat may pumuputol ng punong kahoy sa gubat, na siyang gawa ng mga kamay ng manggagawa sa pamamagitan ng palakol.
Silay gaya ng puno ng palma, na binilog, at hindi nagsasalita: kinakailangang pasanin, sapagkat hindi makalakad. Huwag ninyong katakutan ang mga yaon, sapagkat hindi makagagawa ng kasamaan, ni wala ring magagawang mabuti.
Sinong hindi matatakot sa iyo, Oh Hari ng mga bansa? sapagkat sa iyo nauukol; palibhasay sa gitna ng lahat ng pantas sa mga bansa, at sa lahat nilang kaharian, ay walang gaya mo.
May pilak na pinukpok na dinala rito mula sa Tarsis, at ginto mula sa Uphaz, na gawa ng manggagawa at ng mga kamay ng panday; azul at kulay ube ang kanilang damit; gawang lahat ng mga bihasang manggagawa.
Ngunit ang Panginoon ay tunay na Dios; siya ang buhay na Dios, at walang hanggang Hari: sa kaniyang poot ay nayayanig ang lupa, at hindi matatagalan ng mga bansa ang kaniyang galit.
Ganito ang inyong sasabihin sa kanila, Ang mga dios na hindi gumawa ng langit at ng lupa, ang mga ito ang mangalilipol sa lupa, at sa silong ng langit.
Kaniyang ginawa ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, kaniyang itinatag ang sanglibutan sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, at kaniyang iniladlad ang langit sa pamamagitan ng kaniyang pagkaunawa:
Pagka siyay naguutos, may hugong ng tubig sa langit, at kaniyang pinaiilanglang ang mga singaw mula sa mga dulo ng lupa; siyay nagpapakidlat para sa ulan, at naglalabas ng hangin mula sa mga kinalalagyan.
Bawat tao ay naging tampalasan at walang kaalaman; bawat panday ay nalagay sa kahihiyan sa kaniyang larawang inanyuan; sapagkat ang kaniyang larawang binubo ay kabulaanan, at hindi humihinga ang mga yaon.
Ang bahagi ng Jacob ay hindi gaya ng mga ito; sapagkat siya ang may kapal sa lahat ng mga bagay; at ang Israel ay siyang lipi na kaniyang mana ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan.
Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking ibubulid ang mga mananahan sa lupain sa panahong ito, at aking pahihirapan sila upang silay makaramdam.
Ang aking tolda ay nagiba, at lahat ng panali ko ay nangapatid; iniwan ako ng aking mga anak, at silay wala na: wala nang magtayo pa ng aking tolda, at magtaas ng aking mga tabing.
Ang tinig ng mga balita, narito, dumarating, at malaking kagulo mula sa lupaing hilagaan, upang gawing kagibaan ang mga bayan ng Juda, at tahanan ng mga chakal.
Iyong ibuhos ang iyong kapusukan sa mga bansa na hindi nakakakilala sa iyo, at sa mga angkan na hindi nagsisitawag sa iyong pangalan; sapagkat kanilang sinakmal ang Jacob, oo, kanilang sinakmal siya, at nilipol siya, at sinira ang kaniyang tahanan.