Kayoy magsitakas para maligtas, kayong mga anak ni Benjamin, mula sa gitna ng Jerusalem, at kayoy magsihihip ng pakakak sa Tecoa, at mangagtaas ng tanda sa Beth-hacherem; sapagkat ang kasamaan ay natatanaw sa hilagaan, at isang malaking paglipol.
Mga pastor na kasama ng kanilang mga kawan ay magsisiparoon sa kaniya; kanilang itatayo ang kanilang mga tolda laban sa kaniya sa palibot; silay mangagpapasabsab bawat isa sa kanikaniyang dako.
Mangaghanda kayo ng digma laban sa kaniya; kayoy magsibangon, at tayoy magsisampa sa katanghaliang tapat. Sa aba natin! sapagkat ang araw ay kumikiling, sapagkat ang mga dilim ng gabi ay nangangalat.
Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kayoy magsiputol ng mga punong kahoy, at mangagtayo kayo ng bunton laban sa Jerusalem: ito ang bayang dadalawin; siyay lubos na kapighatian sa gitna niya.
Kung paanong ang isang bukal ay nilalabasan ng kaniyang tubig, gayon siya nilalabasan ng kaniyang kasamaan: pangdadahas at pagkagiba ay naririnig sa kaniya; sa harap ko ay palaging hirap at mga sugat.
Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kanilang lubos na sisimutin ang nalabi sa Israel na parang puno ng ubas: idukot mo uli ang iyong kamay sa mga buslo na gaya ng mamimitas ng ubas.
Kanino ako magsasalita at magpapatotoo, upang kanilang marinig? narito, ang kanilang pakinig ay paking, at hindi mangakarinig: narito, ang salita ng Panginoon ay naging kadustaan sa kanila; silay walang kaluguran sa kaniya.
Kayat akoy puspus ng kapusukan ng Panginoon; akoy pagod na ng pagpipigil ko: ibuhos sa mga bata sa lansangan, at sa kapulungan ng mga binata na magkakasama: sapagkat gayon din ang lalake sangpu ng asawa ay mahuhuli, ang matanda sangpu niya na puspus ng mga kaarawan.
At ang kanilang mga bahay ay malilipat sa mga iba, ang kanilang mga parang at ang kanilang mga asawa na magkakasama: sapagkat iuunat ko ang aking kamay sa mga mananahan sa lupain, sabi ng Panginoon.
Sapagkat mula sa kaliitliitan nila hanggang sa kalakilakihan nila, bawat isa ay ibinigay sa kasakiman; at mula sa propeta hanggang sa saserdote bawat isay gumagawang may kasinungalingan.
Nangahiya baga sila nang silay gumawa ng kasuklamsuklam? hindi, hindi sila nangahiya sa anoman, o sila man ay nangamula: kayat silay mangabubuwal sa gitna niyaong nangabubuwal; sa panahon na aking dadalawin sila ay nangabubulagta sila, sabi ng Panginoon.
Ganito ang sabi ng Panginoon, Magsitayo kayo sa mga daan at magsitingin kayo, at ipagtanong ninyo ang mga dating landas, kung saan nandoon ang mabuting daan; at magsilakad kayo roon, at kayoy mangakakasumpong ng kapahingahan sa inyong mga kaluluwa: ngunit kanilang sinabi, Hindi kami magsisilakad doon.
Iyong pakinggan, Oh lupa: narito, akoy magdadala ng kasamaan sa bayang ito, na bunga ng kanilang mga pagiisip, sapagkat silay hindi nangakinig sa aking mga salita; at tungkol sa aking kautusan ay kanilang itinakuwil.
Sa anong panukala nangagdadala kayo sa akin ng kamangyan na mula sa Seba, at ng mabangong kalamo na mula sa malayong lupain? ang inyong mga handog na susunugin ay hindi nakalulugod, ni ang inyo mang mga hain ay nakalulugod sa akin.
Kayat ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, akoy maglalagay ng katitisuran sa harap ng bayang ito: at ang mga magulang at ang mga anak ay magkakasamang mangatitisod doon; ang kalapit bahay at ang kaniyang kaibigan ay mamamatay.
Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ang isang bayan ay nagmumula sa hilagaang lupain; at isang dakilang bansa ay pupukawin mula sa mga kaduluduluhang bahagi ng lupa.
Silay nagsisihawak ng busog at ng sibat; silay mabagsik at walang habag; ang kanilang tinig ay humuhugong na parang dagat, at silay nagsisisakay sa mga kabayo, bawat isa ay humahanay, na parang isang lalake sa pakikipagbaka, laban sa iyo Oh anak na babae ng Sion.
Aming narinig ang balita niyaon; ang aming mga kamay ay nanganghihina: kahirapan ay humawak sa amin, at hirap na gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.
Oh anak na babae ng aking bayan, magbigkis ka ng kayong magaspang, at gumumon ka sa abo: manangis ka, gaya ng sa bugtong na anak, ng kalagimlagim na panaghoy; sapagkat ang manglilipol ay biglang darating sa akin.
Ang panghihip ay humihihip na malakas; ang tingga ay natutunaw sa apoy: sa walang kabuluhan nagdadalisay sila; sapagkat ang masasama ay hindi nangaalis.