|
| 1 |
|
| Ako ang taong nakakita ng pagdadalamhati dahil sa pamalo ng kanyang poot. |
|
| 2 |
|
| Itinaboy niya ako at dinala sa kadiliman, at hindi sa liwanag; |
|
| 3 |
|
| tunay na laban sa akin ay kanyang paulit-ulit na ipinihit ang kanyang kamay sa buong maghapon. |
|
| 4 |
|
| Pinapanghina niya ang aking laman at aking balat, at binali niya ang aking mga buto. |
|
| 5 |
|
| Sinakop at kinulong niya ako sa kalungkutan at paghihirap. |
|
| 6 |
|
| Pinatira niya ako sa kadiliman, gaya ng mga matagal nang patay. |
|
| 7 |
|
| Binakuran niya ako upang ako'y hindi makatakas; pinabigat niya ang aking tanikala. |
|
| 8 |
|
| Bagaman ako'y dumaraing at humihingi ng tulong, kanyang pinagsasarhan ang aking panalangin; |
|
| 9 |
|
| kanyang hinarangan ang aking mga daan ng tinabas na bato, kanyang iniliko ang mga landas ko. |
|
| 10 |
|
| Para sa akin ay gaya siya ng oso na nag-aabang, parang leon na nasa kubling dako. |
|
| 11 |
|
| Iniligaw niya ang aking mga lakad, at ako'y pinagputul-putol; ginawa niya akong wasak. |
|
| 12 |
|
| Binanat niya ang kanyang busog at ginawa akong tudlaan para sa kanyang pana. |
|
| 13 |
|
| Pinatusok niya sa aking puso ang mga palaso mula sa kanyang lalagyan. |
|
| 14 |
|
| Ako'y naging katatawanan sa lahat ng aking kababayan, ang pasanin ng kanilang awit sa buong maghapon. |
|
| 15 |
|
| Pinuno niya ako ng kapanglawan, kanyang pinapagsawa ako ng katas ng mapait na halaman. |
|
| 16 |
|
| Dinurog niya ng mga bato ang ngipin ko, at pinamaluktot ako sa mga abo. |
|
| 17 |
|
| Ang aking kaluluwa ay inilayo sa kapayapaan; nalimutan ko na kung ano ang kaligayahan. |
|
| 18 |
|
| Kaya't aking sinabi, "Wala na ang aking kaluwalhatian, at ang aking pag-asa sa PANGINOON." |
|
| 19 |
|
| Alalahanin mo ang aking paghihirap at ang aking kapaitan, ang katas ng mapait na halaman at ng apdo. |
|
| 20 |
|
| Patuloy itong naaalala ng aking kaluluwa at yumuyuko sa loob ko. |
|
| 21 |
|
| Ngunit ito'y naaalala ko, kaya't mayroon akong pag-asa: |
|
| 22 |
|
| Ang tapat na pag-ibig ng PANGINOON ay hindi nagmamaliw, ang kanyang mga habag ay hindi natatapos; |
|
| 23 |
|
| sariwa ang mga iyon tuwing umaga, dakila ang iyong katapatan. |
|
| 24 |
|
| "Ang PANGINOON ay aking bahagi," sabi ng aking kaluluwa; "kaya't ako'y aasa sa kanya." |
|
| 25 |
|
| Ang PANGINOON ay mabuti sa kanila na naghihintay sa kanya, sa kaluluwa na humahanap sa kanya. |
|
| 26 |
|
| Mabuti nga na ang tao ay tahimik na maghintay para sa pagliligtas ng PANGINOON. |
|
| 27 |
|
| Mabuti nga sa tao na pasanin ang pamatok sa kanyang kabataan. |
|
| 28 |
|
| Maupo siyang mag-isa sa katahimikan kapag kanyang iniatang sa kanya; |
|
| 29 |
|
| ilagay niya ang kanyang bibig sa alabok — baka mayroon pang pag-asa; |
|
| 30 |
|
| ibigay niya ang kanyang pisngi sa mananampal, at mapuno siya ng pagkutya. |
|
| 31 |
|
| Sapagkat ang Panginoon ay hindi magtatakuwil nang walang hanggan. |
|
| 32 |
|
| Ngunit bagaman siya'y sanhi ng kaiungkutan, siya'y mahahabag ayon sa kasaganaan ng kanyang tapat na pagmamahal; |
|
| 33 |
|
| sapagkat hindi niya kusang pinahihirapan o ang mga anak ng mga tao ay sinasaktan man. |
|
| 34 |
|
| Upang durugin sa ilalim ng paa ang lahat ng bihag sa lupa, |
|
| 35 |
|
| upang sikilin ang karapatan ng tao sa harapan ng Kataas-taasan, |
|
| 36 |
|
| upang ibagsak ang tao sa kanyang usapin, na hindi ito sinasang-ayunan ng Panginoon. |
|
| 37 |
|
| Sino ang nagsasalita at ito ay nangyayari, malibang ito ay iniutos ng PANGINOON? |
|
| 38 |
|
| Hindi ba sa bibig ng Kataas-taasan nagmumula ang masama at raabuti? |
|
| 39 |
|
| Bakit magrereklamo ang taong may buhay, ang tao, tungkol sa parusa sa kanyang mga kasalanan? |
|
| 40 |
|
| Ating subukin at suriin ang ating mga lakad, at manumbalik tayo sa PANGINOON! |
|
| 41 |
|
| Itaas natin ang ating mga puso at mga kamay sa Diyos sa langit: |
|
| 42 |
|
| "Kami ay sumuway at naghimagsik, at hindi ka nagpatawad. |
|
| 43 |
|
| "Binalot mo ng galit ang iyong sarili at hinabol mo kami; na pumapatay ka nang walang awa. |
|
| 44 |
|
| Binalot mo ng ulap ang iyong sarili upang walang panalanging makatagos. |
|
| 45 |
|
| Ginawa mo kaming patapon at basura sa gitna ng mga bayan. |
|
| 46 |
|
| "Ibinuka ng lahat naming mga kaaway ang kanilang bibig laban sa amin. |
|
| 47 |
|
| Dumating sa amin ang takot at pagkahulog, pagkasira at pagkawasak. |
|
| 48 |
|
| Ang mata ko'y dinadaluyan ng maraming luha dahil sa pagkawasak ng anak na babae ng aking bayan. |
|
| 49 |
|
| "Ang mata ko'y dadaluyan nang walang hinto, walang pahinga, |
|
| 50 |
|
| hanggang sa ang PANGINOON ay tumungo at tumingin mula sa langit. |
|
| 51 |
|
| Pinahihirapan ng aking mga mata ang aking kaluluwa, dahil sa lahat na anak na babae ng aking lunsod. |
|
| 52 |
|
| "Ako'y tinugis na parang ibon, ng aking mga naging kaaway nang walang kadahilanan. |
|
| 53 |
|
| Pinatahimik nila ako sa hukay at nilagyan ng bato sa ibabaw ko. |
|
| 54 |
|
| Ang tubig ay lumampas sa aking ulo; aking sinabi, 'Ako'y wala na.' |
|
| 55 |
|
| "Ako'y tumawag sa iyong pangalan, O PANGINOON, mula sa kalaliman ng hukay; |
|
| 56 |
|
| pinakinggan mo ang aking pakiusap! 'Huwag mong itago ang iyong pandinig sa saklolo, mula sa paghingi ko ng tulong!' |
|
| 57 |
|
| Ikaw ay lumapit nang ako'y tumawag sa iyo; iyong sinabi, 'Huwag kang matakot.' |
|
| 58 |
|
| "Ipinagtanggol mo ang aking usapin, O PANGINOON, tinubos mo ang aking buhay. |
|
| 59 |
|
| Nakita mo ang pagkakamaling ginawa sa akin, O PANGINOON hatulan mo ang aking usapin. |
|
| 60 |
|
| Nakita mo ang lahat nilang paghihiganti, at ang lahat nilang pakana laban sa akin. |
|
| 61 |
|
| "Narinig mo ang kanilang pagtuya, O PANGINOON, at lahat nilang pakana laban sa akin. |
|
| 62 |
|
| Ang mga labi at pag-iisip ng mga tumutugis sa akin ay laban sa akin sa buong maghapon. |
|
| 63 |
|
| Masdan mo ang kanilang pag-upo at ang kanilang pagtayo, ako ang pinatutungkulan ng kanilang mga awit. |
|
| 64 |
|
| "Pagbabayarin mo sila, O PANGINOON, ayon sa gawa ng kanilang mga kamay. |
|
| 65 |
|
| Papagmamatigasin mo ang kanilang puso, ang iyong sumpa ay darating sa kanila." |
|
| 66 |
|
| Hahabulin mo sila sa galit at iyong lilipulin sila, mula sa silong ng mga langit O, PANGINOON." |
|
|
|
|