|
| 1 |
|
| Isa ako sa mga nakaranas ng parusa ng Panginoon dahil sa kanyang galit. |
|
| 2 |
|
| Pinalayas niya ako at pinalakad sa dilim sa halip na sa liwanag. |
|
| 3 |
|
| Paulit-ulit niya akong pinarusahan araw at gabi. |
|
| 4 |
|
| Pinahina ang aking katawan at binali ang aking mga buto. |
|
| 5 |
|
| Sinalakay niya ako at ibinilanggo sa paghihirap at pagdurusa. |
|
| 6 |
|
| Inilagay sa kadiliman na parang isang tao na matagal nang patay. |
|
| 7 |
|
| Kinadena niya ako at ikinulong upang hindi makatakas. |
|
| 8 |
|
| Kahit na humingi ako ng tulong, hindi niya ako pinakinggan. |
|
| 9 |
|
| Hinarangan niya ng pader ang aking landas, at pinaliku-liko ang aking dadaanan. |
|
| 10 |
|
| Para siyang oso o leon na nag-aabang upang salakayin ako. |
|
| 11 |
|
| Kinaladkad ako palayo sa daan at pagkatapos ay nilapa at iniwan. |
|
| 12 |
|
| Iniumang niya ang kanyang pana at itinutok sa akin. |
|
| 13 |
|
| Pinana niya ako at tumagos ito sa puso ko. |
|
| 14 |
|
| Naging katawa-tawa ako sa aking mga kalahi. Buong araw nila akong inaawitan ng pangungutya. |
|
| 15 |
|
| Pinuno niya ako ng labis na kapaitan. |
|
| 16 |
|
| Nabungi ang mga ngipin ko dahil pinakain niya ako ng graba, at saka tinapak-tapakan niya ako sa lupa. |
|
| 17 |
|
| Inalis niya ako sa maganda kong kalagayan at hindi ko na naranasan ang kasaganaan. |
|
| 18 |
|
| Nawala na ang karangalan ko at lahat ng pag-asa sa Panginoon. |
|
| 19 |
|
| Napakasakit isipin ang mga paghihirap at pagdurusa ko. |
|
| 20 |
|
| At kung palagi ko itong iisipin, manghihina ako. |
|
| 21 |
|
| Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na |
|
| 22 |
|
| ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit hindi tayo lubusang nalipol. |
|
| 23 |
|
| Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag. Dakila ang katapatan ng Panginoon! |
|
| 24 |
|
| Kaya sinabi ko sa aking sarili, “Ang Panginoon ang lahat para sa akin, kaya sa kanya ako nagtitiwala.” |
|
| 25 |
|
| Mabuti ang Panginoon sa mga nagtitiwalaʼt umaasa sa kanya. |
|
| 26 |
|
| Mabuting matiyagang maghintay sa pagliligtas ng Panginoon. |
|
| 27 |
|
| Mabuti para sa isang tao na kahit bata pa ay matuto nang sumunod. |
|
| 28 |
|
| Kapag tinuturuan tayo ng Panginoon, tumahimik tayo at pag-isipan itong mabuti. |
|
| 29 |
|
| Magpakumbaba tayo sa harap ng Panginoon at huwag mawalan ng pag-asa. |
|
| 30 |
|
| Kapag sinampal ka sa isang pisngi, ibigay mo pa ang kabila. At tanggapin mo rin ang pangungutya ng iyong mga kaaway. |
|
| 31 |
|
| Dahil hindi tayo itatakwil ng Panginoon magpakailanman. |
|
| 32 |
|
| Pero kahit nagpaparusa siya, ipinapakita pa rin niya ang kanyang habag at ang napakalakiʼt walang hanggan niyang pag-ibig sa atin. |
|
| 33 |
|
| Dahil hindi siya natutuwa na tayoʼy saktan o pahirapan. |
|
| 34 |
|
| Ayaw ng Panginoon na apihin ang mga bilanggo, |
|
| 35 |
|
| o balewalain ang karapatan ng tao. |
|
| 36 |
|
| Ayaw din ng Kataas-taasang Dios na ipagkait ang katarungan sa sinumang tao. Nakikita niya ang lahat ng ito. |
|
| 37 |
|
| Walang anumang bagay na nangyayari na hindi pinahihintulutan ng Panginoon. |
|
| 38 |
|
| Ang Kataas-taasang Dios ang nagpapasya kung ang isang bagay na mabuti o masama ay mangyayari. |
|
| 39 |
|
| Kaya bakit tayo magrereklamo kung pinarurusahan tayo dahil sa ating kasalanan? |
|
| 40 |
|
| Ang dapat ay siyasatin natin ang ating pamumuhay at magbalik-loob sa Panginoon. |
|
| 41 |
|
| Buksan natin ang ating mga puso at itaas ang ating mga kamay sa Dios na nasa langit at sabihin: |
|
| 42 |
|
| “ Panginoon, nagkasala po kami at naghimagsik sa inyo, at hindi nʼyo kami pinatawad. |
|
| 43 |
|
| Nagalit kayo sa amin at inusig kami at walang awang pinatay. |
|
| 44 |
|
| Tinakpan nʼyo ng mga ulap ang inyong sarili para hindi nʼyo marinig ang aming mga dalangin. |
|
| 45 |
|
| Ginawa nʼyo kaming parang basura sa paningin ng ibaʼt ibang bansa. |
|
| 46 |
|
| Kinutya kami ng lahat ng aming mga kaaway. |
|
| 47 |
|
| Dumanas kami ng matinding takot, panganib, pagkasira at kapahamakan.” |
|
| 48 |
|
| Napaluha ako dahil sa kapahamakang sinapit ng aking mga kalahi. |
|
| 49 |
|
| Patuloy akong iiyak |
|
| 50 |
|
| hanggang sa tumunghay ang Panginoon mula sa langit. |
|
| 51 |
|
| Labis akong nasaktan sa sinapit ng mga kababaihan ng aking lungsod. |
|
| 52 |
|
| Hinahabol ako ng aking mga kaaway na parang isang ibon, kahit na wala naman akong nagawang kasalanan sa kanila. |
|
| 53 |
|
| Sinubukan nila akong patayin sa pamamagitan ng pambabato at paghulog sa balon. |
|
| 54 |
|
| Halos malunod na ako at ang akala koʼy mamamatay na ako. |
|
| 55 |
|
| Doon sa ilalim ng balon, tumawag ako sa inyo Panginoon. |
|
| 56 |
|
| Pinakinggan nʼyo ang pagmamakaawa ko at paghingi ng tulong. |
|
| 57 |
|
| Dumating kayo nang akoʼy tumawag at sinabi nʼyong huwag akong matakot. |
|
| 58 |
|
| Tinulungan nʼyo ako sa problema ko Panginoon, at iniligtas nʼyo ang buhay ko. |
|
| 59 |
|
| Panginoon, nakita nʼyo ang kasamaang ginawa sa akin ng aking mga kaaway, kaya bigyan nʼyo ako ng katarungan. |
|
| 60 |
|
| Alam nʼyo kung paano nila ako pinaghigantihan at ang lahat ng binabalak nila laban sa akin. |
|
| 61 |
|
| Napakinggan nʼyo, O Panginoon, ang mga pangungutya nila at alam nʼyo ang lahat ng binabalak nila laban sa akin. |
|
| 62 |
|
| Buong araw nilang pinag-uusapan ang pinaplano nilang masama laban sa akin. |
|
| 63 |
|
| Masdan nʼyo, nakaupo man sila o nakatayo, kinukutya nila ako sa pamamagitan ng pag-awit. |
|
| 64 |
|
| Panginoon, parusahan nʼyo sila ayon sa kanilang ginagawa. |
|
| 65 |
|
| Patigasin nʼyo ang mga puso nila at sumpain nʼyo sila. |
|
| 66 |
|
| Sa galit nʼyo Panginoon, habulin nʼyo sila at lipulin nang mawala na sila sa mundong ito. |
|
|
|
|